Chapter Twenty: The Bet

46.8K 1.1K 33
                                    

Chapter Twenty: The Bet


MARK

My whole body is still ached. It's been three days already since that 'failed superhero to be' incident. And I promise myself that it would be the last time. Saving and being stupid is different. Tama si Riley, hindi ako si superman upang sagipin ang dalawang damulag na iyon kahit pa mga kaibigan ko sila. And speaking of Tyron at Vince, magmula noon ay hindi na sila nagpakita sa akin. Ni text message at phone call ay wala akong natatanggap galing sa kanila. Marahil ay mga na-guilty dahil sa sinapit ko. Ngunit malaki rin ang posibilidad na baka nasulsulan sila ni Jared at tinakot na huwag magpakita sa akin. I had this dread feeling na siya ang tumakot sa dalawang kaibigan kaya nagmamadaling umalis ang mga ito noong dinalaw nila ako sa ospital.

I'm hungry. Mag-aalas dos na pala ng hapon at hindi pa ako nananghalian. Bumangon ako at nagtungo ng kusina. Ngunit saka ko lang din naalala na wala na pala akong stock ng pagkain. Mahigit dalawang linggo na akong hindi nakakapag-grocery. Lulugu-lugo na bumalik ako sa sala at dinampot ang receiver ng telepono. Wala akong choice kundi magdpadeliver na lang ulit ng fast food. Nagdadayal pa lang ako ng numero nang tumunog bigla ang doorbell. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Tyron. Marahil ay hindi ako natiis ng kaibigan gayon dalawang palapag lang ang pagitan ng aming mga unit.

Subalit sa pagkabukas ko ng pinto ay si Joanna ang bumulaga sa paningin ko. Gusto kong madismaya ngunit nang makita ang bitbit niyang mga pagkain ay nagbago ang isip ko.

"Mark!"

Napangiwi ako nang bigla na lamang niya akong lundagin at niyakap ng mahigpit.

"How are you? Are you feeling okay now?"

"J-Joanna, n-nasasakal ako..."

"Oh, I'm sorry." Saka lamang siya bumitiw sa akin ngunit ikinulong naman niya sa mga palad niya ang aking mukha. "I'm really worried about you know. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Louie, hindi ko malalaman na-"

"Masasarap siguro ang mga dala mong pagkain. Can I eat those now?"

"S-sure."

Ako na mismo ang kumuha ng bitbit na paperbag ni Joanna at nagmamadaling dinala iyon sa kusina. I'm too starving that I forgot to served another plate for her. Basta ang nasa isip ko ay makakain at maibsan ang kalam ng tiyan.

"Masarap, right? Ako ang nagluto ng mga iyan." Natutuwang sabi ni Joanna habang pinapanood akong kumain. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Sa sobrang gutom ko ay halos hindi ko na malasahan ang kinakain.

"Thank you." Halos hindi maintindihan na wika ko habang patuloy sa pagnguya. Aabutin ko sana ang baso ng tubig nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na susi ng kotse na hawak ni Joanna. "Bakit nasa'yo iyan?"

"Oh, I forgot. May lalaking nagpunta kahapon sa ospital at ikaw ang hinahanap. Robert yata ang pangalan. Ang sabi niya ay inutusan lang siyang isoli sa'yo ang lumang volkswagen. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga vintage car."

Bigla akong napatayo. Ang unang pumasok sa isip ko ay hagilapin ang cellphone. She's here! I need to call her. Ngunit nakatatlong dial ako ng number niya ay out of coverage pa rin ang kanyang linya.

"Damn it! Bakit hindi kita makontak?" Halos panggigilan ko ang screen ng cellphone nang maalala kong tumawag sa talyer. Marahil ang tinukoy na Robert ni Joanna ay si Bogard.

"Hello, Bogard! Yes, this is Mark. Si Jianne? Nakabalik na ba siya mula sa Paris? Nasa talyer ba siya ngayon?"

"Po? A-ano kasi..."

"Bogard, nandyan ba ngayon si Jianne sa talyer?" Ulit ko. Gusto kong malaman sa kanya ang totoo.

"K-kanina nasa talyer po si Bossing, pero wala na siya ngayon dito."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon