Chapter Twenty Seven: Stop Her

50.2K 1.2K 92
                                    

Chapter Twenty Seven: Stop Her



MARK

"Mark, what is today's agenda?" Tanong ni Louie nang pumuwesto sa bakanteng silya sa tabi ko. Nagkibit-balikat lang ako sa halip na sumagot. Ang totoo ay wala rin akong ideya kung bakit nagpatawag si Papa ng emergency board meeting. Subalit parang nahuhulaan ko na masesermunan na naman ako.

Kinukuwestyon ni Papa ang mababang patient rate ng ospital para sa taon na ito. Hindi man niya direktang sinabi, pero parang ako na rin ang sinisisi niya sa problema. Ako kasi ang may ideya ng pagre-renovate ng kabilang building. At dahil under renovation, kulang ang pasilidad ng ospital. Napipilitan ang ibang pasyente na lumipat ng ibang ospital.

Mabuti na lang at karamihan sa mga board members ay pinagtanggol ako, including Kristofe. Lihim akong siniko ni Louie. Hindi man niya sabihin pero mukhang iisa lang tumatakbo sa aming mga isipan.

"Malay mo naman at tuluyan nang nagbago ang stepbrother mo," wika ni Louie habang papalabas kami ng silid. Mahigit isang oras din ang inabot bago natapos ang board meeting.

"Wala akong pakialam kung magbago man siya o hindi."

"Iniisip mo ba na maaaring paraan lang iyon ni Kristofe para magpalapad ng papel sa papa mo?"

"You're really good in reading people's mind." Hindi ko napigilan tumawa. "Pinsan, bilib na talaga ako sa kakayahan mo."

"It's my profession. Besides, kabisado ko na ang takbo ng utak mo."

"Really?" I chuckled once more. "Then tell me kung anong tumatakbo ngayon sa utak ko?"

"You looked troubled. Someone is bothering you." Binigyan diin niya ang salitang someone.

"Huwag mong sabihin na si Kristofe ang tinutukoy mo?"

Mabilis na umiling si Louie, ngunit ngumisi. "She's a she."

Bago pa ako makapag-react nang mahagip ng mga mata si Kristofe. Nasa isang sulok habang may kausap sa telepono. Nilagpasan lamang namin siya ni Louie at hindi pinansin.

"See you later, Jianne." I heard him said. O baka naman sinadya ni Kristofe na lakasan ang boses upang marinig ko.

"Mark, where are you going?" Nagtatakang tanong ni Louie nang lumihis ako ng daan.

"I'm going home."

"Akala ko ba ay double shift ka ngayon?"

"I change my mind."

"Maki boy, sino ba ang kinakausap mo? Si Kitkat o ako?"

Hindi ko pinansin si Tyron at nagpatuloy sa malalim na pag-iisip. Kanina pa siya nakatunganga sa akin na tila binabantay ako.

"Maki boy, may pagkain ka ba d'yan? Kanina pa kumakalam ang tiyan ko. Kung hihintayin ko si Cyrhel siguradong mamamatay na ako sa gutom."

"Marami akong tubig sa fridge!"

"Pagkain ang kailangan ko at hindi tubig," reklamo ni Tyron. At bago ko pa siya mapigilan ay sinugod na niya ang kusina ko at nang bumalik ay puno ng pagkain ang dala niyang plato. Pinakialaman niya ang hapunan ko.

"Papalitan ko na lang ito ng pagkain na dala ni Cyrhel. Iyon ay mapagtitiyagaan mo ang kanyang niluto. Sarap nito, Maki boy. Saan mo ito binili?" Nagawa pa niyang mang-inggit sa kabila ng kadupangan niya. Paano ba ako nagkaroon ng kaibigan na katulad niya?

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang makatanggap ako ng phonecall mula kay Jianne. Kanina ko pa siya tinatawagan, pero busy ang kanyang cellphone.

"Sorry, Mark but I'm in a hurry. I'll try to call again." At nawala na siya sa kabilang linya. Kung tama ang pagkakarinig ko kanina, may lakad nga silang dalawa ni Kristofe.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon