Entry #9: Sacrifices

4 0 0
                                    

Date: Sunday 28th of March 2021
Read: Genesis 4:1-26
Verses To Ponder: Genesis 4:3-7
"Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. Kaya sinabi ni Yahweh: "Anong ikagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lupigin ka at pagharian. Kailangan mong pagtagumpayan ito."

Dear Reality,
Habang binabasa ko ang Chapter 4 ng Genesis sobrang daming thoughts na umiikot sa isip ko in every verse na madaanan ng mga mata ko.

Sa first 3 verses palang, may pinapakita na sa 'kin ang Diyos na realization, ano pa ba sa mga sumunod? It's like those verses asking me: "Ano ang ultimate priority mo?"

'Coz if God is my ultimate priority dapat katulad ako ni Abel na nagbigay ng pinakamainam na handog sa Diyos.

It's like, do I really love God? Sabi nga nila love is an action; it's not just a word. Nauunawaan ko na ang nag-push for Abel na maghandog ng the best for God is his love for Him.

Abel's great love for God says it all through his gift for Him. And that's true love. Wherein kay Cain? How can we know that it's true love? Based sa verse na nabasa ko, when you give your all without expectations.

Kapag nagbigay ka ng lahat sa 'yo whether may reactions or not kang makukuha sa binigyan mo, that's love.

Ang mark of true love pala, magiging masaya ka ng totoo. Sabi mismo ng Diyos; magiging masaya ka. Pero kapag kapaimbabawan lang or shallow ang love na meron ka para sa iba, may ngitngit, inis or galit na mararamdaman ang kalooban mo.

Nakita ko rin ang evidence na ginawa tayo ng Diyos ayon sa wangis niya. Kasi sa Lord God nag-umpisa ang art of Psychology. Biruin mo pinansin niya ang reaction ni Cain based sa hitsura ng mukha niya? Isn't that art of psychology? Evidence talaga na ang talents na meron ang tao? Nagmula sa Diyos.

Balik tayo sa love, God encouraging Cain to overcome his short-comings. Ang Diyos talaga ang nagpauso ng psychology and guidance counseling. Kahit will ng Diyos na magbago si Cain kung di tutulungan ni Cain ang sarili niya, 'di niya mapagtatagumpayan ang sarili niyang masamang ugali. Napaka-open book ng tao sa Diyos. And 'yung root ng masamang side natin alam niya.

Kung pinaiiral ni Cain ang isip niya habang pinagpapayuhan siya ng Diyos malamang nakuha na niya ang pinaka-point.

Sincerely Yours
Defensivenaauthor

Conclusion:
Two birds in one stone magbigay ng payo ang Diyos. Ang tanong marunong bang makinig ang puso natin na minsan shallow magmahal sa kanya? At love talaga involved ang sacrifices.

Prayer:
Lord God, help us to have an obedient heart. Minsan po kasi inaakala naming kaya namin na makinig sa payo niyo kahit ang totoo nakasarado pala ang puso at isip namin sa gusto at nais nyo.

 Minsan po kasi inaakala naming kaya namin na makinig sa payo niyo kahit ang totoo nakasarado pala ang puso at isip namin sa gusto at nais nyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon