Wednesday, 12th of September 2018
Ponder: Woe to those who are wise in their own eyes and clever in their own sight! - Isaiah 5:21Dear Reality,
'Anrami talagang PARASI. As in taong parating naninisi ng iba. Hindi ko alam kung bakit? Kung bakit, kahit sila mismo ang accountable sa nangyari, ibinabaling pa rin ang nagiging outcome sa iba? Knowing na may part sila dun.Ang nakakalungkot lang kasi madalas yun mangyari sa family namin. It's just a simple habit of one family member which became a bad habit then goes on as a cycle throughout our family members. Paano ko nalaman na may cycle ng sisihan sa loob ng bahay?
Well, it's just an out of blue observations of mine to all our family members. 'Di ko sadyang mapuna ang sisihan tuwing magkakaroon ng minimal disagreement sa pagitan ng dalawang family members. Biruin mo simpleng magkaibang opinion lang nagkakaroon na ng sisihan? And every time na nakikita ko ang cycled attitude na iyon, I can't help but to almost felt like drowning in a sea.
Nakakalunod!
Nakakalunod masaksihang may ganoong kaming defect sa pamilya. Ang sakit palang maapektuhan ng bagay na ayaw mong nangyayari. Tulad din ng paninisi ng ibang tao sa isang taong 'di naman talaga accountable sa isang pagkakamali. Masakit, sobrang sakit masisi, lalo na kung ang naninisi yung dapat nasisisi.
I just realized na mag-pinsan pala ang kasinungalingan at paninisi... Come to think of it, kung ang naninisi ang tunay na dapat sisihin at nanisi siya ng iba .. Isn't that person whose blaming others for his or her own good, also lying?
Yes! Lying, dahil tinatakpan niya ang tunay na may kasalanan.
Parang tulad lang ng senariyo ng ahas at ni Eba sa garden of Eden. Nagsinungaling ang ahas kay Eba about sa puno na nasa gitna ng gubat. Then, nung pinaparusahan na si Eba dahil sa ginawa niyang paglabag, ang una niyang ginawa? Nanisi ng iba. Sinisi niya si Adan, even if she's the one whose to blame for everything.
Smilingly Yours,
DefensiveNaAuthor
BINABASA MO ANG
Dear Reality, (tagalog)
SpiritualYou can read at your own risk; my not-so-ordinary diaryーmore like a journal, eh? Don't you think? Dear Reality, The amount of stress and struggles the world is giving me right now, is indeed enough for me to die immediately. But, since I'm still ali...