Entry #5: Treatment

56 0 0
                                    

Friday, 9th of November 2018
Ponder: You shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your mind. - Matthew 22:37

Dear Reality,
I was in the middle of listening to our pastor's sermon, when God gave me this sudden realization na related sa topic na sinasabi ni pastor.

I just realized na ang relationship na dapat maganap sa pagitan ng tao at Diyos ay tulad ng relationship ng tao sa kapwa niya tao, just like when people are in love with each other.

'Diba kasi kapag in love ang isang tao, madalas yung mga bagay-bagay sa taong gusto niya, inaalam niya? Such as; favorite foods, colors, or places. Even those things na nakakapagpasaya sa taong gusto ng taong in love, surely aalamin niya.

It's like automatically, ginagawa yun ng isang in love just for the sole reason na mapalapit sa taong mahal niya.

Ganun rin dapat ang tao sa Diyos. Kung ginagawa natin ang mga bagay na yun sa kapwa natin tao. Mas dapat natin yun gawin 'pag Diyos na ang involve.

Yung paglilingkod na gagawin natin sa Diyos ay katumbas lang ng isang taong nagmamahal ng buong puso at kaluluwa.

Just to remind you dear reality. God is not a person. Why are we serving him shallowly? As if utang na loob pa ng Diyos na inaalam natin ang tungkol sa kaniya? As if kaya nating wala siya? Hindi nga natin alam kung paano hihinga gamit ang sarili nating kakayahan, and what? God isn't our priority? Why? Do we already know how to live without breathing?

Kaya nga sinasabi ko dear reality yung mga ginagawa ng taong in love sa mahal niya mas dapat nating gawin when it comes to God. Ganun talaga dapat ang maging desire natin na gawin para sa Diyos. Kasi kung ang mga bagay na nakakapagpasaya sa Diyos ang ginagawa ng isang tao... I will certainly say. Mahal mo nga ang Diyos; mahal mo nga si Jesus Christ.

Smilingly yours,
DefensiveNaAuthor

Smilingly yours,DefensiveNaAuthor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon