Entry #13: Faith

6 0 0
                                    

Date: 1st of May 2021
Read: Genesis 22:1-24
Verse To Ponder: Genesis 22:2
Sinabi sa kanya, "Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moira. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin."

Dear Reality,
Sa unang verse ng Genesis chapter 22, sinabi na tinawag ng Diyos si Abraham at tumugon siya sa tawag na 'yon.

Dito palang naiiyak na ako, knowing na hindi ako katulad ni Abraham na may pusong handang tumugon at sumunod sa panawagan ng Diyos.

Kung doon palang nabagabag na ang puso ko, ano pa kaya nung time na inaalay na ni Abraham ang sarili niyang anak?

Tumulo ang luha ko habang binabasa ko ang part na sasaksakin na niya si Isaac. Sa part na 'to dalawang bagay ang pinapaalala ng buhay ni Abraham; Ang magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos at ang unahin siya higit sa sinuman.

Ayaw ng Diyos ng may kahati siya sa puso ng tao. Hindi dahil selfish siya. Lahat naman galing sa Diyos. Kahit ang buhay natin, kaya ang pag-una sa lumikha ng lahat ng bagay ang pinaka tamang gawin sa lahat.

Spiritually Yours,
Defensivenaauthor

Prayer:
Lord, alam ko pong wala po akong pusong gaya ng kay Abraham. Tulungan niyo po akong magkaroon ng pusong tulad niya, upang makasunod po ako sa mga bagay na nais niyong matupad sa buhay ko. Amen!

 Amen!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon