Tuesday, 16th of October 2018
Ponder: Behold, to obey is better than sacrifice. - Samuel 15:22Dear Reality,
May isa akong ka-group chat before. That person has been frequently asking the same question whenever he had a chance to, back then. Yet, no one had given him a clear answer. Ang lagi niyang tanong: "Bakit masarap ang bawal?" And every time he'll ask that crucial question to no one in particular sa group chat, almost everyone will get a headache thinking over the same question to come up with a satisfying answer for him. Even I, my dear reality. Sumasakit rin ang ulo ko sa tanong niyang yun; knowing na ang hirap sagutin pero gusto kong masagot ang tanong niya.
And to make my long story short, dumaan ang panahon, nabuwag na't lahat ang nasabing group chat but still, yung tanong ng taong yun, walang nakapagbigay ng malinaw na sagot. That's why, tuwing maaalala ko siya, tinat-try ko pa ring bigyan ng sagot yung pang-beauty contest niyang katanungan. But to no avail. Wala pa rin akong tiyak na sagot sa intrigerong tanong na yun.
Not until today...
Alam mo yun dear reality, I really believe na nakakatalino talaga ang pagbabasa ng salita ng Diyos, also known as Bible. Right after ko kasing matapos bumasa ng Bible, parang gumana ang isip ko't bigla kong naalala ang dating tanong ng ka-group chat ko na; kung bakit masarap ang bawal, then eureka! I fin'lly knew it!
So to elaborate the right answer, let's just start off first with his question: Bakit masarap ang bawal?
And these are my answers: firstly, masarap nga ba ang bawal? Kung tutuusin, hindi fact ang tanong na yun. Kumbaga, theory palang, hindi pa napapatunayan 'coz basically ang pinaka-basis lang ay isang opinion. It's just an opinion na masarap ang bawal kahit na majority pa ang magsabi. It's still an opinion.
I'll give you an example ng bawal na hindi masarap; sigarilyo.
Kung bibigyan ng option ano ang mas masarap sa dalawa; fried chicken or cigarettes? Mas malamang sa hindi, ang isasagot ng lahat ay fried chicken. Patunay na ang bawal na sigarilyo ay hindi kailan man mauungusan sa sarap ang isang fried chicken.
So ang opinion kung totoong masarap nga ba ang bawal ay hindi laging totoo. Kaya ang tanong na; bakit masarap ang bawal, ay dapat i-rephrase.
Dapat ang tamang tanong; Bakit minsan mas masarap ang bawal? At kapag ganiyan na ang tanong, meron na akong tamang sagot para diyan.
Okay let's start over: "Bakit minsan mas masarap ang bawal?" Minsan kaya mas masarap gawin yung bawal dahil sa concept ng freedom. Yung concept na lahat ng tao may freedom, kung ano'ng nasa puso niya dapat ginagawa niya without reservation. Natutuon ang focus natin na kapag bawal dinidisiplina ka, which we'll thought na kawalan ng freedom agad. Never nating nakita na ang displina form of protection, wherein inilalayo ka lang sa bagay na nakakasama sa'yo.
So, as a conclusion, kapag ang mas na-emphasis sa salitang "bawal" ay yung concept ng discipline in order to give protection. We will probably not gonna think anymore na ang bawal ay masarap gawin.
Smilingly Yours,
DefensiveNaAuthor
BINABASA MO ANG
Dear Reality, (tagalog)
EspiritualYou can read at your own risk; my not-so-ordinary diaryーmore like a journal, eh? Don't you think? Dear Reality, The amount of stress and struggles the world is giving me right now, is indeed enough for me to die immediately. But, since I'm still ali...