Entry #1: Timeline

112 2 0
                                    

Thursday, 23rd of August, 2018

Ponder: There is an appointed time for everything. And there is a time for every event under heaven - Ecclesiastes 3:1

Dear Reality,
Kahapon habang nagmumuni-muni ako patungkol sa pagpapatawad sumagi sa isip ko ang nakaraan. Basta, sobrang dami kong naalala, 'anrami ring tanong na hindi pa totally nasasagot but somehow palagay ko masasagot rin agad sa mga susunod na pagkakataon.

To make my long introduction short, lahat ng mga naisip ko kahapon, nag-lead sa'kin sa isang verse sa Bible. Thankfully, natatandaan ko sya, not word by word, pero yung concept ng verse na yun, naiintindihan ko.

I just thought wala ng iba pang kaugnayan ang verse na yun sa buhay ng tao, maliban sa fact na, kung may positive thing may negative. Akala ko dun lang yun uma-apply. Hindi pala.

Let just say, God made me realized something about time na sinasabi ng mga verse na yun. Bagay na di naiisip basta ninuman. Kung babasahin mo kasi ang Ecclesiastes chapter 3 verse 1 hanggang 8, mage-gets ng lahat ang sinasabi ko.

Sabi dun; there is a time for everything. A time to give birth and a time to die .. A time to weep and a time to laugh ..

At marami pang tig-dalawang opposite things na ini-relate sa time. And you know my dear reality, yung bagay na pinaintindi sa'kin ni God ay yung about sa timeline ng buhay ng tao. Basically sasabihin ng lahat, obvious naman na about sa timeline ang sinasabi sa Ecclesiastes. But that's not the only detail that I've seen. Nakita ko sa illustration about timeline na ang mga bagay na nakalagay doon kapag hindi naganap ng naaayon sa pagkakasunod-sunod or parallel dun sa bagay na nauna, there's big possibility na gumulo ang destiny ng tao. Gets mo ba dear reality?

Okay, para mas maintindihan mo dear reality, ganito yun. For example, nagkaroon ng conflict sa family ng isang tao. Dapat ang sunod na mangyari reconciliation or pagbabati ng mga nagkagalit kasi yun ang parallel sa aksyon or naunang event na nangyari. So, yun dapat ang mangyari; 'pag may nag-away dapat may magkabati. Dahil kung hindi? Maaaring magpaulit-ulit ang isang tao sa ganung uri ng problem sa buhay niya.

Para malinaw magbibigay ako ng halimbawa. Kunwari may lalaking nagalit sa kapatid niya at hindi sila nagkaayos na dalawa. There is 99.9% possibility na maulit ang hindi pagpapatawad ng taong yun pero sa ibang tao naman; gaya ng kaklase niya, boyfriend or girlfriend at kung sino pang pwedeng makasalamuha niya.

Bakit mangyayari ang ganung bagay? Kasi 'di nasunod ang mga nakasaad sa timeline ng buhay ng tao. Ano ang timeline ng tao? Kapag may gulo sunod na dapat mangyari, ayusin ang gulo. Dahil ang gulo na hindi naayos, manganganak ng isa pang gulo.

At 'yan ang realization na naisip ko kahapon related sa verses na mababasa mo sa Ecclesiastes na nasa Bible. Kailangan, gawin ang nakatakdang bagay na aayos sa pangyayari. Now, na-gets mo na ba?

Smilingly yours,
DefensiveNaAuthor

Smilingly yours,DefensiveNaAuthor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon