DATE: 19:00 • Friday, 13th of December 2019
PUBLISHED: 21:39 December 13, 2019Verse Focus: Genesis 2:16-17
Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungang iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon."Dear Reality,
Meron akong isang bagay na gustong linawin sa lahat ng tao. 'Yon ay kung posibleng "lahat ng tao", makaaalam ng lilinawin ko ngayon. Oh, how I wish they could. Right?Anyway, simula nang labagin nina Adan at Eva ang utos sa kanila ng Diyos na huwag kakainin ang "bunga" ng "puno" na nagbibigay ng pagkaalam ng "mabuti at masama"; ang mundo na puro "blessings" ay nagkaroon na ng sumpa. Nag-exist na ang good and bad consequences. Kahit originally, puro magagandang bagay lang sana. Wala talagang "parusa o paghihirap" noon. Nag-exist lang naman ito noong sumuway sina Adan at Eva sa utos. Kaya ngayon, dalawang bagay na lagi ang nararanasan ng tao. Pero nalilimutan 'yan ng tao.
Nalilimutan ng marami na kapag may negative syempre meron ding positive. Kaya nakakapagtaka 'yong ibang tao, every time na 'di sila makapaniwalang nakararanas sila ng kabiguan, lungkot at hirap. Parang bago ng bago. Ini-expect ba nila na buong buhay nila puro magagandang bagay lang sa buhay?
Mukhang kailangan ng taong "ganoon mag-isip" ng acceptance. Tanggapin na ang mundo binubuo lagi ng dalawang bagay.
Simula't sapul, isiniksik na ni Satanas sa utak ng tao na ang dapat lang na maging buhay sa mundo ay laging patungkol sa magagandang bagay tulad ng: tagumpay, kasiyahan at kayamanan. Kaya marami sa tao takot at traumatized tuwing nakakaramdam ng lungkot at nakakaranas ng trials. Hindi kasi alam na ang dating blessed earth ay nasumpa na.
Akala ng iba kapag masaya sila, tagumpay sila at payapa sila, galing pa rin 'yun sa mundo. Pero in reality, lahat ng iyon "GIFT" ng Panginoon.
Ang mga taong ipinanganak sa mundo kahit umiwas pa, makakaranas at makakaranas ng lungkot at hirap dahil sa paglabag sa utos nina Adan at Eva. Pero dahil sa pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao, ang kaparusahang panghabangbuhay ay pinalitan niya ng blessings. Hindi siya pumayag na ang sadness lang ang manatili sa mundo. Ibinigay niya ang happiness, dinagdagan niya pa ng gladness and joy.
Mahal kasi tayo ng Diyos kaya tinapatan niya ng positive ang lahat ng negative na mararanasan ng mga tao. Pagmamahal na hindi magbabago even if we're living in an ever changing world.
Defending Sweetly,
DefensiveNaAuthor
BINABASA MO ANG
Dear Reality, (tagalog)
SpiritualYou can read at your own risk; my not-so-ordinary diaryーmore like a journal, eh? Don't you think? Dear Reality, The amount of stress and struggles the world is giving me right now, is indeed enough for me to die immediately. But, since I'm still ali...