Date: Tuesday, 6th of April 2021
Read: Genesis 10:1-32
Verse To Ponder: Genesis 10:19-21
"Mula sa Sidon ang kanilang hangganan sa gawing timog ay umabot sa Gerar na malapit sa Gaza. Umabot naman sa Sodoma, Gomorra, Adma at Zeboim na malapit sa Lasa sa gawing silangan. Ito ang lahi ni Cam na kumalat sa iba't ibang lupain at naging iba't ibang bansa na may kani-kanilang wika. Si Sem, ang kapatid na matanda ni Jafet, ang punagmulan naman ng lahi ni Heber.Dear Reality,
Sa Verse 20 ng Genesis 10, pinakita ang pinagmulan ng Sodoma at Gomorra. Dahil sa pagbabasa ko ng mga anak ni Noe, mas malinaw na sa 'kin kung bakit ang mga taga-Sodoma at Gomorra ay naging masasamang lunsod.Dahil nga sa sumpa ni Noe kay Cam. Ang epekto ng sumpa tumawid sa mga inapo niya. At kung tutuusin si Noe, hindi talaga direktang sinumpa si Cam kundi ang anak or apo niya na si Canaan.
Hindi ko alam kung tama ang unawa ko pero kung si Canaan ang sinumpa imbes si Cam, posibleng nag-e-exist o may Canaan na 'nung time na yun. Hindi naman siguro mahuhulaan ni Noe ang pangalan ng 'di pa nag-exist na tao kaya palagay ko, may Canaan na nga talaga noon.
Patungkol naman kay Sem, according sa research na ginawa ko para alamin ang lahi niya. Sa kanya nagmula ang lahi ni Jesuschrist, talagang na-bless ni Noe si Shem.
Yours Spiritually,
DefensivenaauthorPrayer:
Lord, tulungan mo kaming pahalagahan ang mga kamag-anakan namin na magkaroon ng pagkakataong ipakilala ka sa kanila. Amen.
BINABASA MO ANG
Dear Reality, (tagalog)
SpiritualYou can read at your own risk; my not-so-ordinary diaryーmore like a journal, eh? Don't you think? Dear Reality, The amount of stress and struggles the world is giving me right now, is indeed enough for me to die immediately. But, since I'm still ali...