Friday, 24th of August, 2018
Ponder: Woe to those who call evil good, and good evil; Who substitute darkness to light and light for darkness; Who substitute bitter for sweet and sweet for bitter! - Isaiah 5:20Dear Reality,
Ang masama ay masama hindi ito pupwedeng maging mabuti. Kasi kung lahat ng bagay may substitution, sana hindi nalang nabuo ang salitang "difference". Wala na rin sigurong category na nag-exist sa mundo kung ang bagay na masama ay tatawagin ng ibang mabuti, kung kailan lang nila gustuhing ituring na "Ay! Ito tama 'to! Therefore mabuti 'to!". Hindi pupwede yun.Same as sweetness and bitterness. Masasabi ba ng iba na matamis ang ampalaya? Kung kaya ng ibang sabihing matamis yun? Palagay ko lang, may problema ang taong yun.
Bottom line kung bakit may alterations and substitution na nangyayari between good and evil; sweetness and bitterness, simple because, mas maraming gumagawa ng masama. And all those people are just trying to justify their own actions through saying na hindi masama ang masama.
Pagdating naman sa pagiging bitter, akala kasi ng marami, nakakamatay ang pagiging bitter. Yun ba'ng iniwan siya ng taong mahal niya, but then 'di niya matanggap kaya 'di siya maka-move on .. That's why, bitter siya, pero dahil in denial siya, 'di niya magawang ipanlandakan sa lahat ng taong bitter nga siya. Which is wrong kasi, wala namang masama sa pagiging bitter. Sabi na nga sa Bible, hindi dapat gawing sweet ang hindi sweet.
Kung baga sa salamin, nakikita ng mata kung ano ang repleksyon. Ibig sabihin, wag dayain ang mga bagay-bagay sa mundo dahil lang sa sariling kapasyahan natin.
Yung mga ka-bitter-an ng isang tao, nangyayari 'yan halos lahat ng tao ngayon sa mundo. That means yung mas natural na bagay, yun ang dapat nating i-accept ng maluwag sa puso.
Dapat walang questions sa mga normal na bagay na nangyayari sa mundo, kasi nga normal nga yun e. Wala namang misteryo dun, para ikapagtaka pa.
Kaso bakit, hindi yun ang madalas tanggapin ng iba? And so what kung bitter ka? Mas dapat kang ma-insecure kung masama ang ginagawa mo. Kung mabuti naman, bakit ka natatakot sa reaksyon ng iba?
Smilingly yours,
DefensiveNaAuthor
BINABASA MO ANG
Dear Reality, (tagalog)
EspiritualYou can read at your own risk; my not-so-ordinary diaryーmore like a journal, eh? Don't you think? Dear Reality, The amount of stress and struggles the world is giving me right now, is indeed enough for me to die immediately. But, since I'm still ali...