Entry #7: Opportunity

18 0 0
                                    

Monday, 9:42 PM 24th of August

Ponder: "For there is a proper time and procedure for every delight, though a man's trouble is heavy upon him." — Ecclesiastes 8:6

Dear Reality,

Hindi lahat ng opportunity patungkol lang sa career, money and fame. Marami pa talagang mukha ang opportunity na nani-neglect ng maraming tao.

Siguro dahil may uri or type ng opportunity na masyadong common or 'yon bang akala ng iba, hindi mawawala, dahil masyadong regular, kaya madalas i-isangtabi muna bago pansinin.

Bago pansinin... Until mawala ng tuluyan.

Ang pinakamalapit na common opportunity na mini-mention ko ay ang opportunity to care others. At hindi stranger ang tinutukoy kong others. Sila 'yung mga taong madalas na nasa tabi mo like parents and siblings.

Madalas kahit may opportunity tayo to show them our care, to let them know our love. Tayo mismo, hindi nagpapadama 'nun sa kanila.

And wow! Parang kung makaasta tayong mga tao alam na natin ang future. 'Di ba?

Nakakalungkot lang na kung kailan humantong sa oras na wala ng time at opportunity na makapagpapakita ng care or love, doon pa handa ang iba na ibigay 'yon.

Sa panahon talaga na hindi na kailangan. Useless na, kasi, lumipas na ang panahon.

Once na lumipas nagkaroon na ng closure 'yon. At kapag sinabing "close"... Palagay ko himala na lang ang magiging dahilan na ma-open pa 'yon.

Sana maisaisip ng lahat na hindi porke, nandyan ngayon bukas nandyan ulit.

We're people who don't even know tomorrow. So why not loving, caring and forgiving somebody as much as we can? While the time is being friendly to us.

Sweetly Yours,
DefensiveNaAuthor

Sweetly Yours,DefensiveNaAuthor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon