Entry #10: Forty

4 0 0
                                    

Date: Tuesday, 30th of March 2021
Read: Genesis 7:1-24
Verse To Ponder: Genesis 7:4
"Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig."

Dear Reality,
Lagi kong nababasa sa Bible ang salitang apatnapung araw at apatnapung gabi. Hindi ko alam kung bakit laging 40? Alam kong ang Diyos hindi nanghuhula ng araw. Lagi siyang timing. Sa Calendar na sinusunod halos lahat sa buong mundo ang isang buwan bumibilang lang ng 30 or 31 days. Pero sa Bible ang 40 days and 40 nights laging nababanggit. Ibig sabihin may malaki siyang significance sa buhay ng mga tao sa mundo. And God's timing is the right timing kaya ang bilang ng tao maaaring dahilan para buong buhay natin hindi magka-timing ang mga bagay. I mean, pansin ko nga higit na malaki ang ambag ng no timing sa timing na words sa buhay ko.

Buruin mo kahit ang simpleng araw at gabi natin against sa tuntunin ng Diyos. I mean, 'di talaga inalam ng mga sinaunang tao ang significance ng 40 days? Ako kasi curious eh. Ewan ko lang sa iba.

Lalo na ngayon na ang baha ay naganap sa loob ng 40 days and 40 nights lalo akong naku-curious kung bakit? At ang baha lampas sa pinakamataas na bundok. Wala ngang mabubuhay sa mundo dahil bundok mismo nalunod.

Hindi ko alam kung gaano kasama ang naunang mga tao para lipulin sila ng Diyos pero siguro tagos hanggang langit. Dahil ang baha ninais niyang palampasin sa pinakamataas na bundok. Parang sinasabi ng Diyos na kung taga-langit ka, hindi ka mamamatay. Kasi mga taga-lupa lang ang namatay.

And in my humble opinion, hindi na siguro isinama ni Noe ang Behemut sa loob ng Arko. Kasi baka hindi na magkasya ang lahat. Tingin ko rin, ang Behemut talaga at Dinosaur ay iisa. Magkaiba lang ng tawag.

Iba naman kasi ang katawagan noon sa ngayon. So posibleng ang mga 'di masagot na katanungan ng tao noon pa man kung may Dinosaur nga o wala masasagot kung mag-aaral lang ng mabuti ng Bible.

Sincerely Yours,
Defensivenaauthor

Conclusion:
Maraming clue and mathematical numbers na binanggit sa Bible na maaaring pag-aralan para masagot ang mga katanungan ng mga tao na 'di masagot. Kung pag-aaralan lang sana ng mga expert ang Bible palagay ko masasagot mga unanswered questions na hanggang ngayon tanong pa rin ng mundo.

Prayer:
Dear Lord, lagi niyo po nawa kaming paalalahanan na ang mga bagay na itinakda mo at sinabi mo ay tunay na makabuluhan at hindi basta nagkataon lang. Tulungan niyo po kaming maging humble in seeking answers through you. In the mighty name of Jesus, Amen.

Dear Reality, (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon