9

0 0 0
                                    

Ngayong araw ako naka-schedule para mag-spot inventory. Iniwan ko na lang yung budget kay Camille kahapon at nakalagay na din dun na for spot ngayon. Tinawagan pa sana ako ni sir pero siniguro ko na pauwi na ako nung idinaan ko sa opisina nya ang budget at si Camille na din ang pinabigay ko. Tama na to, hanggang kaya kong umiwas ay iiwas ako.

Ikalawang araw na ngayon mula nung magkausap kami ni Apollo pero hindi pa rin sya nagpaparamdam ulit sakin. Hindi nya sinasagot ang tawag ko at ang mga text ko. Hindi talaga ako mapakali, ano ba ang problema nya?

Maaga akong nagsimulang mag inventory para matapos kaagad. Mabuti na din to para matawagan ko mamaya si Apollo. Madali lang naman ang gagawin. Itsi-check lang kung tally ang record at actual stocks tapos ipu-pull out na yung alak na may promo na iooffer namin ng buy one take one.

Hi.  Dalawang araw ka ng hindi nagpaparamdam ah. May problema ba tayo?? Iniiwasan mo ba ako? May ginawa ba akong mali? Sabihin mo naman sakin kung ano ang nagawa ko kaya iniiwasan mo ako ng ganito oh.

Kumakain ako ng mga oras na yun kaya nagkaroon ako ng oras para magtext kay Apollo. Natapos ko na din ang tatlong trucks at dinalhan naman ako ni Camille ng snacks habang nagpapahinga. Bababa daw si Sir mamaya, tinatapos lang ang report nya. Sana nga matapos na ako bago pa sya bumaba para hindi namin kailangang mag-usap.

Miss na kita. Hindi ko alam kung bakit or panu basta ang alam ko lang namimiss kita.

Totoo naman yun, ewan kung bakit parang miss ko talaga sya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad na kinuha ko at nakita kong may text si Apollo.

Apollo: Can I call?

Oo naman. Ngayon na ba? Sige, habang nagpapahinga pa ako kasi nag-iinventory ako.

Apollo: sige mamaya na lang. Sorry naging busy lang talaga ako for the past two days. Gusto ko lang sanang marinig yung boses mo ngayon.

Ang dami nya pang rason, baka allibi lang yun para hindi sya makatawag. Ewan ko ba sa sarili ko pero dali-dali akong nag-dial ng number nya at naghintay maka-connect sa kabilang linya. Ilang segundo pa bago nya nasagot at nang sinagot nya ay naka voice app. Ayaw nya talagang iparinig sakin ang boses nya.

"Kumusta ka? Pagkatapos kasi nating mag-usap hindi ka na ulit nagparamdam sakin."

"Sorry, busy lang ako. Medyo late na din kami umuuwi kaya nahiya na akong tumawag or magtext kasi baka natutulog ka na. Pakiramdam ko nga magkakasakit na ako."

"Inuman mo na yan ng gamot."

"Yeah, later may tinatapos lang ako."

"Okay ka lang ba talaga? Para kasing nagbago yung pakikitungo mo sakin eh. May ginawa ba ako sayo?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Wala. You are the most important person in my life, Yani. I'm sorry kung feeling mo may nagbago sakin, hindi ko lang kasi maiwasang isipin ang...... ang trabaho."

"Naiintindihan ko naman kasi kami nga rin busy din dito. Pero wag mong pabayaan ang sarili mo. "

"Thank you. Hmmm, please listen to this, pambawi ko sa ilang araw na hindi tayo nag-usap."

Matagal syang natahimik sa kabilang linya, di ko alam kung ano ang ginagawa nya pero maya-maya pa ay may narinig na akong gitara sa kabilang linya.

Sya ba yung nag gigitara?

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now