20

0 0 0
                                    

Bigla akong naalimpungatan kaya tumayo ako para tingnan kung anong oras na. Pagtingin ko sa wall clock ay alas kwatro pa lang kaya umupo ako sa bay window at tiningnan ang buong paligid. Makakatulog pa kaya ako nito? Hayyy, mabuti pa siguro magluto na lang ako ng breakfast.

Paglabas ko ng kwarto ay parehong nasa sala yung dalawa at tulog kaya nagdahan-dahan ako papunta sa kusina. Binuksan ko yung ref at nag-isip kung ano yung lulutuin ko. Ang dami namang laman yung ref, ano kaya ang lulutuin ko? May time pa naman kaya kinuha ko yung pork at hiniwa ko ng maninipis para i-marinate. Gagawa ako ng homemade tocino para sa breakfast naming tatlo.

Habang nagmamarinate at nagkakape ay iniikot ko ang paningin ko sa kitchen. Ang dami talagang alak dito ah, at infairness malinis ang kusina. Maayos din ang mga gamit at maganda ang interior. Yung mga gamit din sa kitchen halatang mamahalin. Parang ang sarap magluto dito palagi.

Natawa na lang ako sa iniisip ko. Mabuti pa magluto na lang ako kaysa kung anu-ano yung iniisip ko.

Nagluluto na ako ng tocino nang biglang magsalita si Harry.

"Sana ginising mo na lang ako para ako yung nagluto."
Tiningnan ko sya na kinukusot nya pa yung mata nya. Nakasuot sya ng black sando at shorts kaya bakat yung katawan nya na parang ang sarap yakapin lalo na kapag malamig.

"Maaga kasi akong nagising kaya nag-prepare na ako ng breakfast. Anong oras na kayo natulog?" Kinuha ko yung tasa ng kape ko at uminom ulit.
"Gusto mo ng kape?"

"Thanks, ako na lang. Hmmmm, past 1 na, napasarap kasi yung kwentuhan namin ni Joel."
Lumapit sya sa coffee maker at kumuha ng kape.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?"

"Oo naman, naalimpungatan lang ako kaya bumangon na ako para makapagluto. Alam mo na, hindi sanay sa malaking kwarto."

Umupo sya sa stool at hinigop ang kape nya habang nakatalikod ako at nagluluto pa din.

"Ang dami naman ng stock mo ng alak tapos bumili ka pa nung isang araw. May balak ka bang palaging maglasing?"

Natawa sya.

"No, pag tumatakas kasi si Rob kay Lori gusto nyang dito uminom. Kasi pag andito sya hindi na sya pinipilit umuwi ni Lori. Eh ayaw nun ng beer, gusto scotch or tequila kaya para sa kanya yan."

"Ahhh."

"Ang bango nyan ah."

Ngumiti ako at humarap sa kanya dala yung tocino at nilagay sa mesa. Sinerve ko na din yung kanin at yung papaya na binalatan ko. Naglagay na din ako ng tatlo pang plato.

"Pwede ka ng kumain."

"Nah, hihintayin na kita para sabay na tayo."

"Napasarap yata yung tulog ko."
Sabay kaming napatingin kay Joel na palapit samin habang kinukusot din ang mata.

"Tamang-tama yung gising mo. Tara kumain na tayo."
Sabi ko sa kanya habang kumukuha sya ng kape bago umupo sa stool at kumain.

"San mo nabili tong tocino, ang sarap ah."
Sabi ni Joel habang ngumunguya pa.

"Dito sa kitchen ni Harry, ewan kung san yan nabili."
Natatawang sagot ko kay Joel.

"As far as I remembered, pork lang ang binili ko. So you made this?"

Tumango ako sa tanong ni Harry sakin.

"This is the best tocino I've ever tasted, no preservatives just pure magic."
Sabi ni Harry habang ngumunguya din.

"Sige, bolahin nyu pa ako."

"Pwede ka palang magtinda nito, mas masarap pa yung gawa mo eh. Pa-order nga ako nito minsan ha."

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now