10

0 0 0
                                    

No choice na ako dahil wala si Camille kaya ako na ang pumasok sa office ni Sir para ibigay ang total inventory pagkatapos kong mag-inventory. Alam nya na naman kung magkano ang budget kaya ang kailangan nya na lang ay kung ilang items ang subject sa promo.

Kumatok muna ako pero hindi sya sumagot, akala ko wala sya kaya binuksan ko na ang pinto para ilagay sa table nya ang folder. Pagpasok ko ay nakatanaw sya sa bintana habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

"I told you I don't wanna be disturbed right now, Camille."
May galit sa boses nya kaya nagulat ako. Ngayon ko lang sya narinig ng ganyan.

"S....s....sorry, Sir."
Pagkarinig nya sakin ay bigla syang humarap at bakas sa mukha nya ang pagkabigla dahil hindi nya inaasahang ako ang pumasok.
"Ibibigay ko lang sana to, iiwanan ko na lang dito sa table mo. Kahit mamaya mo na tingnan pag okay ka na."
Lumapit ako sa table nya at inilapag ang dala ko.

Lumapit sakin kaagad si sir Harry, too close na nararamdaman ko na ang hininga nya sa may tainga ko dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Can we talk, Yani?"

"Nag-uusap naman po tayo diba?"
Hindi ako gumalaw dahil baka magkamali ako paglingon ko. At baka hindi ko din mapigilan ang sarili ko na yakapin sya at talikuran ang mga sinabi ko na iiwasan ko na sya.

"About us."

"Anong tungkol satin? Wala naman pong tungkol satin ah."

"I meant, about what happened the other day."

I cleared my throat.
"Ahm, tungkol po dun, gusto ko pong humingi ng paumanhin sana. Hindi ko po dapat kayo binastos ng ganun. Pasensya na po, Sir. Siguro tinopak lang ako. Kalimutan na lang po sana natin yun. Hindi ko po sinasadya, na carried away lang siguro ako sa mga pinapanood kong romantic movies. Sorry kung na-misinterpret ko po."

Naramdaman kong lumayo sya kaya naka-relax ng kaunti ang katawan ko.

"I'm serious, Yani. I want to talk about us."
Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at dahan-dahang pinaharap sa kanya.

"Sir, hindi po eto ang oras para pag-usapan ang mga hindi importanteng bagay. Nagtatrabaho po tayo."

"This is more important than my job, Yani."

"Sir......."

"I want to hear your answer to my question now."pagputol nya sa sinasabi ko.

"Pasensya na Sir, busy talaga po ako."

"It's about five, Yani. Panu ka magiging busy when you're done with your work?"

"Ano, ahm, aalis na po kami."

"Can I have atleast five minutes, please? May sasabihin lang ako. Sige na hindi na kita pipiliting sagutin ang tanong ko kung ayaw mo talaga."

Shit! Panu ba ako makakatakas dito? Hindi ako umimik.

"Fine. Three."
Tumawad sya ng dalawang minuto, hoping na mapagbigyan ko.
Naglabas ako ng mahabang buntong hininga bilang tanda ng pagsuko ko at hindi na ako umimik. Tiningnan ko ang relo ko senyales na mag-umpisa na syang magsalita.

"Okay, three."

"Thanks."

"Paki-bilisan, Sir. Naghihintay kasi po sila sa bodega."

"Okay. Patapusin mo muna ako bago ka magsalita ha."
Tumango ako at hindi na sya sinagot. Ayoko na naman talagang magsalita.

"Before anything else, I would like to say I'm  sorry. Sorry kasi hindi ko pinag-isipan ang ginawa ko noon. Nagkamali ako."

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now