13

0 0 0
                                    

Pakiramdam ko ay nauuhaw na ako kaya binuksan ko ang mga mata ko. Wrong move yata kasi parang umiikot ang paligid ko. Dumagdag pa ang ulo ko na parang binabarena sa sakit. Teka, panu nga ba ako nakarating dito? Sa pagkakatanda ko ay nasa Bacchus ako ah. Ay oo nga pala, binuhat nga pala ako ni Bryan kagabi at iniuwi dito. Hayyyyy, nasobrahan na naman kasi ako sa pagpapakalasing. Tiningnan ko kung anong oras na, mag-aalas nwebe na pala kailangan ko ng bumangon. Pero hindi ko yata kayang bumangon, masakit kasi talaga ang ulo ko at tinatamad din akong bumangon. Tinakpan ko na lang ng kumot ang mukha ko. Ang sama talaga ng pakiramdam ko pero panu ba yan kasi gutom na ako. So ano, pag hindi ba ako gumalaw may lalapit ba saking breakfast?

Kahit mahirap ay pinilit kung bumangon hinawakan ko lang yung ulo ko kasi pakiramdam ko matatanggal na any moment. Matagal muna akong umupo sa kama, naghahanap pa ako ng pwersa galing sa Earth para makabangon dito. I swear, hinding-hindi na ulit ako iinom. Kinuha ko yung phone ko kasi naalala kong pinatay ko pala yun kagabi at in-on ko.

Nasa concentration pa ako nang biglang tumunog yung phone ko kaya sinagot ko agad.

"Bruha, kumusta ka? Kanina pa ako tawag nang tawag."

"Kagigising ko lang. Pinatay ko nga pala kasi phone ko kagabi."

"Kumusta ka?"

"Masakit yung ulo ko Annie. Hinding-hindi na ako sasama sayo ulit. Dinaya nyu siguro ako no?"

Tumawa ng malakas yung dalawa na sa sobrang lakas ng tawa ay nakakabingi na. For sure naka-loudspeaker si Annie kaya nakikisabay si Mhai sa tawa.

"Hinaan nyu naman yung tawa nyu. Ang sakit pa nga ng ulo ko."

"Naalala ko na naman tuloy yung pinanood naming video mo kagabi. Ano bang naisip mo at ginawa mo yun ha?"
Pagkasabi nun ni Mhai ay kinabahan agad ako.

"Anong video?"

"Yung kagabi."pag-uulit ni Annie

Anong video kagabi? May scandal ba ako? Teka, si Marcus ba ang nag-uwi sakin? Shocks! Nakuha nya na ang virginity ko?? Tapos nag video pa sya?? Oh nooooo!!!

"May scandal ba ako? Kaya ba nandito ako at nandyan kayong dalawa dahil may scandal ako?"

"Gaga ka! Ang tinutukoy namin yung video na inuubos mo yung tower kasi sabi mo sayang tapos bumagsak ka. Eh masyado ka na daw lasing kagabi sabi ni Bryan tapos nakikipag-agawan ka pa daw sa kanya nung baso. Masyado ka namang uhaw, napaghahalataan ka eh. Wag mo kaming pagbintangang dinaya ka ah. Free will mo yun. Ano gusto mo pa? Tapos may paiyak-iyak ka pang nalalaman dyan."

"Umiyak? Gaga! Bakit parang wala naman akong naaalala?"

"Malamang, sobrang lasing ka na kaya."

"Hayyy, akala ko talaga may scandal kami ni Marcus kagabi. Kinabahan ako ng kaunti dun Annie ah."

"Anong Marcus? Si sir Harry kaya yung nag-hatid sayo."sabat ni Mhai sa usapan namin ni Annie

"Ano???!!!!" Nabigla ako sa narinig ko.

"Gosh! Hindi mo alam?"tanong ni Annie

"Hindi. Kakagising ko lang."

"So iniwan ka nya after ka nyang ihatid?"

"Annie naman, wag mo namang ipaalala sakin yan kasi hindi kaya ng utak ko."

"May nangyari ba sainyo?"pagsabat ulit ni Mhai sa usapan.

"Wala!!! Ano ba naman Mhai, ki-aga-aga puros kadumihan ng utak yung iniisip mo. Hindi ko nga alam na nandito sya tapos tatanungin mo ko ng ganyan."
Ano ba naman tong si Mhai ang likot ng imagination.

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now