17

0 0 0
                                    

"Yani, pwede ka bang maka-usap muna?"
Tanong sakin ni Joel habang nagpupunas ako ng pawis. Break time namin at kumuha lang saglit si Harry ng damit sa sasakyan nya habang naiwan ako sa garden.

"Oo naman. Tungkol saan?"

"May kaunti kasing problema sa damit. Pwedeng sumama ka muna sakin?"
Bakas ang pag-aalala sa boses nya kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba. Anong problema kaya ang tinutukoy ni Joel?

Tumango ako kaya hinila nya ako papunta sa kusina. Sinenyasan ko si Harry na wag na munang sumunod samin kasi iba yung awra ni Joel alam kong problema talaga ang tinutukoy nya.

Pagdating namin sa kusina ay itinaas nya ang damit na sinasabi nya.

"Ow em, anong nangyari? Hindi naman to yung pinakita mo sakin na design ah."
Kinuha ko yung damit kay Joel.

"Yun nga Yani yung inayos ko kahapon. Nagkasakit kasi yung tatahi nung damit nyu hanggang ngayon nasa ospital pa kaya sabi nya maghanap na lang daw ako ng ibang tatahi. Ang nakakalungkot pa dun lahat ng mananahing kilala ko ayaw ng tanggapin kasi malapit na daw at marami din daw silang kailangang tapusin. Nilibot ko naman yung mga kaibigan ko kasu wala naman daw silang maipapahiram. Yan lang yung available sakin."

Matagal kong tinitigan ang damit, parang hindi ko yata kayang isuot ito.

Itinaas ko ang top ni Harry, isa yung long sleeve na v-neck abot sa gitna ng pusod at dibdib. Sa akin naman ay orange dress. May bulaklak na orange sa left strap, gawa sa tassel ang halter top bra ko at yung pambaba naman ay parang panty na may tassels para takpan at magsilbing skirt. Backless sya para lang akong naka-swimsuit nito dahil reveal na reveal ang katawan ko.

"Hindi ko eto kaya, kahit nung college ako hindi ganito ang mga naisusuot ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi ko eto kaya, kahit nung college ako hindi ganito ang mga naisusuot ko."

"Sorry talaga, Yani. Hindi ko kasi alam na aabot tayo sa ganitong sitwasyon."

Tiningnan ko si Joel at problemado talaga sya. Hayyy, sige na nga kawawa naman sya. Alam kong sinubukan nya naman talagang gawan ng paraan eh. Ano pa nga ba namang magagawa namin?

"Okay lang Joel, kakayanin ko na lang. Wag ka ng mag-alala. Relax ka na ha."

Nag-liwanag yung mukha nya.

"Talaga Yani?"
Tumango ako at ngumiti.
"Thank you ha. Sasabihin ba natin kay Harry?"

"Hindi na siguro, diba yun yung sabi nya. Sa tingin mo?"

"Pwede naman. Ako na ang magsasabi kasi kasalanan ko naman."

"Sure ka? Pwede namang wag na diba or ako na lang kasi baka atakihin ka. Sakin pa nga lang ganyan na yung mukha mo eh."tumawa ako para mag-relax na sya kasi medyo stressed pa talaga ang mukha nya.

"Pwede bang samahan mo na lang ako?"

Tumango ako at ngumiti.
"Oo naman. Wag kang mag-alala kasi maganda yung mood nya ngayon. Tara na?"

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now