29

0 0 0
                                    

Nagulat ako nang iabot sakin ni Sir Luke ang isang note habang nagtitimpla ako ng kape.

"Sir Luke, ano to?"

"Basahin mo na lang. Binigay nya sakin kanina bago sya umalis. Nasa field kasi sya ngayon."

Kinuha ko ang note.

"Thank you po."

"Thank you din sa 4k."

Naiiling ako sa sinabi nya.

"Hindi naman yun totoo."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Manhid ka ba?"
Natatawa nyang sabi sakin.

"Hindi naman. Di ko lang ramdam."

"Manhid nga. Hmmm. Anyway, sunduin na lang kita mamaya sa parking ha. Imi-message din naman nila ako pagtapos na ang training nyu para makabalik na ako dito. Bye, mag field din kasi ako."

Nakangiting umalis si Sir Luke. Hay naku, ako na tuloy ang aasarin ng mga kasama ni Sir Harry nito eh.

Dinala ko na ang kape sa mesa ko para mabasa ko ang note. Kailangan ko kasi to para mabuhayan ako ngayong araw dahil sa sakit ng ulo.

Good morning.
Pwede bang samahan mo ako mamaya? Si Luke na ang bahala sayo. Alam nya na kung saan ka ihahatid. Magkita na lang tayo pagkatapos ng training mo. The ladies will be busy too later with Nico and Cody.

Have a good day.

"Uy, ano yan?"
Nagulat ako kay Cindy kasi bigla na lang sumulpot. Buti na lang ay naitago ko agad ang note sa bulsa.

"Ahhh, note ko lang. Nag-aaral kasi ako baka may post test diba? Kape, gusto mo?"

"Kala ko naman kung ano."
Hayyy, salamat naniwala sya.
"Ay meron na, humingi ako sa waiter. Grabe, ang sakit ng ulo ko."

"Bakit anong oras na kayo umuwi?"

"Hindi ko na maalala. Hindi na din nga bumalik si Sir Harry. Ayun kinaladkad kami nila Sir Nico pabalik ng room namin."

Dumating na ang kape nya at ang pagkain. Hindi nya daw kasi kayang mag-self service ngayon.

"Kumain ka na kasi malapit ng mag-alas otso baka malate pa tayo."

"Nakita mo ba si Sir Harry ngayon?"

"Ha? Hindi eh. Kagabi ko pa hindi nakita simula nung umuwi ako."

"Ahhh, baka masama din ang pakiramdam."

"Hay naku, wag na si Sir ang isipin mo dahil kaya na nun ang sarili nya. Sarili mo na lang ang isipin mo."

Naglabas ako ng paracetamol at inilapag sa mesa.

"Inumin mo yan pagkatapos mag-breakfast para mahimasmasan ka. Hayyy, kaloka kayo."

"Sorry na. Anyway, sasama ka ba mamaya sa mall? Niyaya kasi kami nila sir Nico na mag window shopping at bumili ng pasalubong ngayon."

"Hmmm, may ano kasi...... may gagawin kasi..... ano kasi....."

"Si sir luke ba?"

"Ha?????!!!!!"

"Kayo yung pinag-uusapan namin kagabi pag-alis nyu."

"Sira!!! May gagawin akong trabaho mamaya no."

"Pero okay lang, bagay naman kayo ni Sir Luke at less competitor na rin kay Sir Harry."

"Hayyyy, ang lakas ng tama mo. Kumain ka na nga lang."

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa training room. Dun na din ako inaasar ng lahat tungkol kay Sir Luke. Hay naku, mas aasarin pa siguro nila ako mamaya pag nakita nila akong kasama si Sir Luke. Teka, sasama ba ako? Bahala na si Batman kung ano ang mangyari mamaya.

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now