39

0 0 0
                                    

Tok-tok-tok

Sino kaya yang kumakatok??

"Hija, can I come in?"

Yung lola pala ni Harry. Umayos ako ng upo dahil nakatanaw ako sa bintana bago sumagot.

"Come in po."

Nakangiting pumasok ang Lola ni Harry at umupo sa tabi ko.

"Pasensya ka na apo ha yan na lang kasi ang naiwan ni Carmen na damit nya."

Tiningnan ko ang sarili ko dahil sa suot ko, isa iyong old rose satin night dress na above knee at may silk robe.

"Okay lang po. Ako nga po yung nahihiya kasi inabala ko pa kayo."

"Hindi ka abala okay. Kung may bukas nga lang na Department Store dyan bibili tayo ngayon ng damit dahil alam ko namang pagbibigyan mo akong dito kayo palaging mag-stay kapag weekend eh."

"Opo naman, wala pong problema dun."

"But can I have a little favor?"

"Ano po yun?"

Ngumiti ang lola nya bago nagsalita ulit.

"I want you to call me lola. Hindi ko pa narinig sayo yun eh."

Ngumiti ako at yumuko saka nagkamot ng ulo. Nakakahiya naman, nahihiya talaga ako kaya as much as possible ay hanggang po at opo lang ako.

"Opo, lo....lola."

"Ayan, ang sarap pakinggan. I know you're not comfortable but soon masasanay ka din. Dun din naman tayo papunta diba?"

Tumango ako at nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Lola saka nya ako niyakap. Kumalas lang sya nang pumasok ang dalawang katulong yung isa ay may dalang tea at yung isa naman ay may dalang album.

"I hope you don't mind, gusto ko kasi talagang mag-stay dito eh."

"Naku, okay lang po yun Lola. Wala hong kasu yun sakin."

Okay lang naman talaga dahil wala naman akong ibang ginagawa dito kundi ang tumunganga. After kasing umuwi nila Lori pagkatapos nung dinner namin ay pinaakyat na din ako ni Lola para makapagpahinga. Baka daw kasi pagod ako sa byahe at pagluluto kaninang umaga. Well, hindi naman, nag-enjoy nga ako sa kwentuhan namin eh. Masaya naman silang ka-bonding at marami silang ibinuko na mga kwento tungkol kay Harry simula noon. Mas nakilala ko din naman si Harry dahil sa mga kwento nila at mas nabigyan ako ng pagkakataon para makilala ang taong nagpalaki sa boyfriend ko.

Sinalinan ako ng katulong ng tea sa tasa at ibinigay sakin ganun din kay Lola. Pagkatapos ay nagpaalam na sila at sinarado ang pinto. Inabot ko ang isang album at binuksan ang mga pahina nun.

"Ang ganda po pala talaga ng mommy ni Harry, kamukha nyu po."

"Naku, binola mo pa ako. Hmmm, siguro kung buhay pa yun magkakasundo din kayo. Wala yung ibang gusto kundi ang makahanap si Harry ng babaeng tulad mo. Alam mo ba, unang tingin ko pa lang sayo, masasabi kong ikaw na yung matagal naming hinihintay. Isa lang naman kasi ang gusto namin para kay Harry, yung makahanap sya ng katuwang sa buhay na mamahalin sya. Kung buhay pa si Carmen, for sure she'll be here too drinking tea with us."

Nakita ko sa mata ni Lola ang pagka-miss kay tita Carmen kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Siguro po kung nandito talaga sya ngayon siguradong masaya sya na nagabayan nyu ng maayos si Harry. Nagpapasalamat po ako sainyo kasi kung wala kayo, siguro wala din ngayon yung lalaking mahal ko. Baka po hindi sya ganyan kung wala kayo sa buhay nya."

Ngumiti si Lola at biglang may tumulong luha sa isang mata nya.

"You're exactly like Carmen, kaya hindi ako nagtataka na napabago mo ang apo ko. Mahalin mo sya apo ha, magmahalan kayong dalawa. Uulitin ko, ikaw lang ang minahal ng apo ko. I hope you believe me."

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now