25

0 0 0
                                    

Medyo napasarap ata yung tulog ko nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Hindi ko talaga namalayan ang oras. Shit! Mag-aalas otso na pala! Hala, late na ako sa seminar. Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng kaunti. Bago ako lumabas ay kinuha ko ang pineapple juice na binili ko kagabi at patakbong tinungo ang elevator.

Takte talaga,ngayon pa ako na-late sa first day ng seminar. Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinress ang 4th floor dahil dun ang venue ng seminar at galing ako sa 9th floor.

Pagdating ko dun sa venue ay marami ng tao sa loob, buti na lang ay di pa naman nag start yung seminar. May mga waiters sa loob na nagsiserve ng pagkain sa mga delegates kada table. Hay buti na lang hindi pa ako gaanong late. Nakakahiya na ako na lang palagi ang late. Late na nga sa arrival, late pa sa first day ng training.

Sa kada isang round table ay may 4 chairs kaya naghanap ako ng table na kaunti lang ang nakaupo. Ayun, dun sa hulihan kaya dun ako uupo. May isa ng babaeng nakaupo doon na mukha namang friendly. Pagkaupo ko ay nginitian nya ako habang kumakain pa sya. Agad namang may nag-serve sa akin ng pagkain at kape pagkaupo ko doon.

"Hi, ako sa Cindy. Galing akong Lucena. Ikaw san ka galing?"inilahad nya ang kamay nya kaya kinuha ko naman iyon.

"Ako si Yani, from Manila."

"Ahhh. So ikaw yung nahuli kahapon. Magkakasama kasi kaming sinundo sa aiport tapos ang sabi samin may isa daw na nahuli galing Manila. Late daw kasi yung nakuhang flight sayo. Tama ba?"

"Oo. Ako nga yun. Nakakahiya, alam nyu pala lahat na late ako."

"Naku, normal yun dito. Minsan kasi late na din talaga ang nakukung flight ng main office. Teka, wala na ba si Maam Elaine sa inyo?"

"Nandun pa. Kaya lang gusto nya na daw i-turn over sakin ang korona."
Natatawa kong sagot sa kanya.

"Ako din kasi lagi yung pinapadala kaya nakilala ko si Maam Elaine."

"Ahhhh. Ako lang ba ang bago dito?"

"Hindi naman. May tatlo siguro. Pero hindi ako sure ha. Teka, nakapag-register ka na ba?"tanong nya sakin.

"Hindi pa."

"After mong kumain, mag-register ka na para makakuha ka na din ng materials mo. Piece of advice,  minsan kasi kulang ang napi-prepare nila baka maubusan ka. Hindi ka makakasunod sa first part ng training though bibigyan ka naman agad later."

"Hindi pa naman ako gutom. Magri-register na muna tuloy ako. Iwanan ko lang yung bag ko ha."
Tumango sya kaya tumayo na ako. Kinuha ko ang pineapple juice na binuksan ko at binitbit ko. Saktong paghakbang ko pagkatayo ko ay may dumaang lalaki at nasagi ang juice ko.

"Shit! Pineapple juice ko!"
Mangiyak-ngiyak kong kinuha yung natapon na lata ng pineapple juice ko sa sahig. Hindi ko pa nga yun nababawasan eh, natapon naman kaagad. Shit talaga! Ang clumsy ko!
Tiningnan ko yung sahig dahil ang daming kalat kaya kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang nagkalat na juice sa sahig. Nakakahiya, dito pa ako naghasik ng kalampahan. Nilinisan ng janitor to ng maayos tapos tinapunan ko lang ng juice. Halaaaa!!!

Yung juice talaga yung inuna kong damputin kaysa mag-sorry muna sa lalaking nabangga ko. Ang tanga ko rin talaga! Di ko man lang kinumusta yung nabangga ko.

"Sorry po."
Lumingon ako sa lalaking nabangga ko na pinupunas nya na yung natapong juice sa damit nya. Nakasuot sya ng blue polo shirt, naka jeans at naka rubber shoes.

Teka! Sya yung gwapong sumundo sakin sa airport kahapon. Shit talaga, ang gwapo nya! Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may magnet ng humihila sakin papunta sa kanya. Parang gusto kong sabihing Hi this is me, attracted to you. Oh jeeeezzz!

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now