21

0 0 0
                                    


"Shocks!!!! Ang galing!!!!"
Pumapalakpak na papuri ni Mhai habang kumakain sila ng popcorn ni Annie.

Kanina pa yan sigaw nang sigaw si Mhai, nakaka-destruct din kasi mas naririnig ko yung bunganga nya kaysa sa music.

"Yani, hindi ko inaasahan na ganyan ka sa dance floor. Bravo!!!!"dagdag din ni Annie.

"Ang ingay nyung dalawa!"
Hinihingal akong lumapit sa dalawa habang nagpupunas ng pawis.

"Halimaw ka Yani."
Dagdag pa ni Mhai habang nakaharap sakin at ngumunguya ng popcorn.

"Wala ng mas ha-halimaw pa sayo, naubos mo na yung popcorn namin."
Pairap kong sabi kay Mhai habang kumukuha ako ng popcorn sa bucket.

Nasa point na kami ng pag-aaway dahil sa popcorn na inubos ni Mhai nang dumating si Bryan na may dalang pagkain galing sa kusina. Day off namin ngayon sa kusina ni Harry kasi si Bryan muna yung nag-prisintang magluto. Past ten na pero busy pa din sya sa kusina dahil may dalawa syang matakaw na pinapakain. Mabuti na lang ay hindi alam ni Marcus na pumunta dito ngayon sila Bryan dahil magpupumilit lang yun na sumama, si Annie na ang kumontra dahil baka daw hindi ako makapag concentrate lalo na kung mag bangayan na naman sina Harry at Marcus.

"Oh, ayan na yung home made tuna pie niyo."
Nag-request kasi kami ng tuna pie kaya gumawa naman agad si Bryan.

"Thanks babe."
Tapos ay humalik si Annie kay Bryan.

"Dun muna ako kay Harry ha. Nakakapagod ipagluto si Mhai, kanina pa request nang request. Hindi naman sumasayaw pero grabe kung kumain."
Pagbibiro ni Bryan kaya nagsimangot si Mhai.

"Okay babe."
Sabi ni Annie kaya dumiretso si Bryan kay Harry sa terrace habang may dalang dalawang lata ng beer. Tinatawagan kasi ni Harry yung lola nya kaya nasa terrace sya ng mga oras na yun.

"Etong si Bryan may balak yatang lasingin si Harry eh hindi pa nga kayo tapos."

"Tapos na kami, Annie. Bukas naman daw yung isa."

"Edi hindi namin mapapanood yung last?"
Tanong ni Mhai habang yung tuna pie naman ang binabanatan.

"Yun na yung surprise namin sainyo."

"Pero tapos nyu na ba?"tanong naman ni Annie.

"Nasimulan na. Kaya naman yung matapos bukas basta ba wala kayo eh. Yun nga kagabi lang natapos kaya hindi pa malinis."
Pagbibiro ko sa kanila.

"Alam mo nakakatuwa ka. Hindi namin inaasahan na ganyan ka pala kagaling sumayaw. Ibang-iba, ang gaslaw, ang wild at ang aggressive. Grabe yung chemistry nyu ni Sir sa dance floor, nakakaloka. Hindi ka namin ipi-pressure ha pero sa tingin namin atin na ang Boracay." Nagniningning ang mga mata ni Annie habang diniinan ang pressure na dapat kong matanggap ngayong gabi.

"Salamat sa pressure ha sobrang nakatulong."
Inirapan ko yung dalawa.

"Walang anuman."aba namilosopo pa talaga si Mhai.

"Pero kidding aside, ang hot nyu sa dance floor. Iba din eh!!! Sa ganyang routines nyu ba hindi man lang kayo naiilang?"
Dagdag pa ni Annie.

"Syempre oo naman. Kasu iniisip ko na lang na ilang araw na lang, walang puwang ang pag-iinarte. Oras yung kalaban eh. Kung kayang makuha agad ang routines kinakaya naman naming dalawa."

Biglang lumapit si Harry para bigyan ako ng face towel.

"Basa ka na ng pawis, magpalit ka na muna ng damit."
Pagkabigay nya sakin ay umalis na sya pabalik sa terrace.

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now