41

1 0 0
                                    

Magdi-dress daw kami ngayon dahil magfa-fine dining daw kami. Hindi nga ako na-inform bago umalis ng Manila, buti na lang talaga may extra si Camille.

Nasa kwarto ako nag-aayos nang biglang may kumatok kaya dali-dali akong lumapit sa pinto dahil baka si Harry. Pagdating ko kasi kanina dito wala sya, hindi nya naman sinasagot yung mga tawag ko. Nagkita na ba sila ni Ms Gin?

Nawala yung mga ngiti sa labi ko nang bumungad sakin ang roomboy pagkabukas ko ng pinto.

"Ms Yani, pinapasundo na po kayo ni Sir Harry." Nakangiti nyang bati sakin.

"O sige, sandali lang ha."
Kinuha ko ang pouch ko bago ako tuluyang lumabas at sumunod sa roomboy.

"Nandun na ba silang lahat?"

Nilingon ako ng roomboy at ngumiti.
"Opo."

Tumango na lang ako at tahimik na sumunod sa kanya. Teka, bakit parang sa opposite direction ata kami papunta? May mga resto din ba dito? Hindi namin to napuntahan kanina nung nag-ikot kami eh. O well, hindi naman ako ipa-prank nito dahil mukha namang mabait eh. Tahimik pa din akong naglalakad. Maya-maya pa ay may narinig na akong tunog ng violin, ang bongga naman ng pa dinner ha, maypa background music talaga. Napangiti ako pero hindi ko inaasahang ibang dinner ang bubungad sakin.

May naka-sinding mga kandila na nakaayos ng pa- heart shape at sa gitna ay may naka set up na table at dalawang upuan. Nandun si Harry na nakatayo at may hawak na boquet habang nakangiti sakin. Nakasuot sya ng white long sleeves na naka unbutton hanggang dibdib at nakatupi ang sleeves nun hanggang siko at nakasuot ng dark brown shorts. Sobrang gwapo nya talaga hindi lang sa pangingin ko bilang girlfriend ha dahil talaga namang gwapo sya at mas lalo pa syang gumwapo ngayong gabi. Sobrang nakaka-inlove yang mga ngiting yan na sasalubong sakin. Feeling ko naglalakad na ako sa aisle ng simbahan habang yung groom ko ay naghihintay sa may altar. Enebe nemen yen.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay tinutugtog ang In Case You Didn't Know nung nagva-violin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay tinutugtog ang In Case You Didn't Know nung nagva-violin. Hayyy, sobrang sweet naman talaga ng boyfriend ko. Hindi pa man nag-uumpisa yung date namin ay kinikilig na agad ako. Nang malapit na ako sa kanya ay ibinigay nya sakin ang bulaklak at inilahad nya ang kamay nya kaya tinanggap ko kaagad yun.

"Salamat. Anong pakulo ito?"nakangiting tanong ko sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako sa tanong nya kaya nadagdagan pa lalo ang ngiting binigay nya sakin at inalalayan nya na akong umupo sa upuan. Ako man ay sobrang nata-touch sa mga pinag-gagagawa ng taong nasa harap ko ngayon.

Hindi talaga mawala ang ngiti ni Harry habang may lumalapit samin para mag-serve ng pagkain ay nakangiti lang sya habang nakatitig sakin.

"Tama na, baka matunaw na ako eh."

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now