28

0 0 0
                                    

Kinaumagahan, hinati kami sa walong grupo at may isang account manager ang mag-facilitate samin. Luckily, kay Sir Harry ako napunta kasi parang masungit yung ibang sales manager. May discussion na naka-schedule samin ngayon tapos after nun i-aapply na yung natutunan namin at reporting din ng output. Ako yung pinili ni Sir na mag-report kasama nya kaya nagkaroon kami ni Sir ng one hour na kami lang dahil magpa-practice kami para sa reporting mamaya. Sorry na lang girls ha, dahil lamang ako ngayon.

Pangatlo kami sa magrereport kaya may time pang pag-aralan yung output namin para if ever may tanong man mamaya ay masagot ko agad. Lahat ng magrereport ay nasa table na sa unahan kaya kaming dalawa lang talaga ang nasa unahan ngayon. Naiwan kasi sa likod yung groupmates namin.

"Relax, walang mangangain sayo dyan."
Nginitian nya ako, yung mga ngiting magdadagdag sa tapang para kayanin ko ang mag-report mamaya.

"Medyo kinakabahan po ako, ngayon lang kasi ako magrereport ng may kasamang account manager."

"Edi isipin mong hindi ako account manager. Isipin mo na lang na boyfriend mo ako para hindi ka kabahan."

"Si Sir naman parang ewan. Kinakabahan na nga ako dyan."

Natawa sya habang inaabot sakin ang mineral water bottle.
"Kumalma ka lang kasi tayo na ang susunod."

Tumango ako kaya tumayo na sya para i-prepare ang output namin sa unahan. Nang matapos sya ay tinawag nya na ako para magsimula na kaming mag-report. Naging smooth ang reporting naming dalawa, pag may tanong ay nasasagot ko naman. Hinayaan nya na kasi akong sumagot since ako naman daw ang nagti-train, hindi sya.

At the end of the day nasabihan ako ni Sir ng good job, excellent at hindi daw sya nagkamali. Oh diva???? Ang saya ng araw ko. Pero mas sasaya pa yun mamaya dahil lalabas ako at makikita ko sya.

After dinner na kami umalis dahil nag-request akong kumain muna. Sayang naman kasi ng libreng pagkain kung gagastos pa kami para sa dinner diba?

Pagdating namin sa Twin Tower ay umupo na ako habang nagpa-plano na sila kung san sila maglilibot.

"Yani, sasama ka ba sa kabila?"
Sigaw ni Cindy kasi maingay na yung lugar dahil sa banda.

"Hindi na, dito na lang ako maglilibot tapos iti-text ko kayo pag andito na sya." pasigaw na sagot ko kay Cindy kasi sabi ni Sir dito lang daw ako. Baka mapagalitan na naman ako pag hindi ko sya sinunod. Kanina bago ako umalis nakabihis na naman sya kasi nagkausap pa kami at inulit nyang wag akong umalis dito. Gusto nga sanang magpalit ako ng damit kasu hindi ko na sinunod dahil wala naman akong makitang masama sa suot ko. Naka jeans naman ako at naka white spaghetti top na naka-tucked in. Ano bang masama dito?

"Sure ka? Kaya mong mag-isa dito?"

Tumango ako kaya nag thumbs up na lang si Cindy. Palabas na sana sila nang pumasok ang grupo ng limang lalaki at biglang umatras ang mga kasama ko sabay balik sa upuan at kuha ng kani-kanilang pressed powder, lipstick at pabango.

Umiling na lang ako sa mga pinag-gagawa ng mga to. Grabe talaga ang mga tama nito kay Sir, gagawin ang lahat. Ano kayang feeling ni Sir, nakakadagdag confidence ba yun? Matanong nga mamaya.

Ang dami kong nakilalang die hard fans ni Sir, kaloka ang dami nilang alam sa love life ni Sir parang hindi ko na kinakaya yung obsession nila. Alam nila kung sino ang bagong girlfriend or ang mga dating girlfriends. Minsan nga pinagki-kwentuhan pa nila kung sino yung mas maganda, mas mabait at mas malandi. Oh diba? Ibang level nga naman. Hindi na din ako nag-abalang kilalanin ang mga babae sa buhay ni Sir dahil hindi naman talaga mahalaga yun sakin eh. Parang ako naman dun lang ako sa point na inaadmire ko sya at gusto ko syang maging jowa pero kung hindi naman ay okay lang. Hindi ako ganun ka-obsessed.

In Case You Didn't KnowWhere stories live. Discover now