Tagilid

115 5 0
                                    

Ang puso mang natamaan nang direkta,

Eksaktong nakatuon, 'di kailangan ng tsamba,

Tagilid pa rin nang mapagtanto nito,

Ang kanyang iniirog, sa iba na nakalaan ang puso.

Tagilid man ang sitwasyon, wari'y 'di iniinda,

Hanggang takipsilim ay mabubura,

Patalo na'y lumalaban pa

Sa tagilid na puso'y, walang pag-asa.

Nalulumbay ma'y hindi batid ng iba,

Tagilid na puso'y hindi maipagkakaila,

Kahit na patagong pinana ni Kupido,

At palihim na nadudurog na kanyang mundo.

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon