TAPIK
Sa isang banda gusto mo siyang tapikin
Tipong siya’y lilingon at ika’y mahalin
Isang dampi sa kanyang balat, kahit isang saglit
Sana’y maramdaman niya, binigay niyang sakit
Isang tapik lang naman, pagmasdan niya sana
Iyong mga matang, kay tagal nangungulila
Sa kanyang ngiti, ika’y nangangarap nang gising
Kasabay ng hapdi hatid ng kanyang paglalambing
Alam mong pinaplastik mo na ang ‘yung sarili
Nang siya’y maka-text, parang ika’y kanyang pinili
Ang kanyang mga salitang ka’y sarap pakinggan
Bakit gan’un siya? Bakit hanggang text na lang?
Sa realidad halos hindi mo siya matingnan
Kasama niya’y iba, akala mo, ikaw lang
Iba ang kanyang nilalambing, daig mo pa isang tanga
Bakit siya ganyan…ginawa ka niyang reserba
Ang sakit at tipong gumuhuho na ang ‘yung mundo
Ang masaklap, pinaplastik mo din pati ang puso mo
Nangangarap pa din sa isang sulok ng ‘yung kaisipan
Ayaw mo na kaso hindi mo kayang pigilan
Gusto mo siyang tapikin, sana’y tigilan na niya
Bakit humantong sa ganito, manhid talaga siya
Nais mo’y isang tapik rin, sa malabong katotohanan
Bago ka tuluyang malunod sa plastik na kawalan
BINABASA MO ANG
PasiliP (Poetry Compilation)
Poesie"Mga pighati.. Mga dalangin... Sa tinta idinaan.. Ibinulong sa hangin..." ●Plastik Ka Talaga ●Ikatlong Pahina *Ang ibang tulang nakapaskil ay kasama sa PNY9 compilation na na-publish.* ©Kyrian18