Pagsuko

88 4 1
                                    

Sa pagitan ng paghinga at pagkalunod,
Ng damdaming tila ba'y nadudurog,
Ang puso kong nawawasak,
Saan ba dapat ako tatahak?

Naguguluhan sa likod ng ngiti,
At pagluha ng kagaya kong sawi,
Ang reyalidad ay pawang illusyon,
Nalulunod sa malalim na emosyon,

Isang kamay, o kaya'y isang ngiti,
Inakay ako palayo, pasanin ang dalamhati.
Sa tulad kong tuliro at naguguluhan,
Kailangan ko na marahil, isuko ang laban.

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon