Bespren

941 36 22
                                    

Bespren

Walang iwanan, kalokoha'y pinagbibigyan

Totoong tao ka kapag siya lagi ang nand'yan

Kaya mo siya batukan, kaya mo siya yakapin

Kaya mo ang lahat, pwera lang ang paibigin

Kasalo mo sa pagkain, karamay kahit saan

Kahit pa maglakad ng nakayapak sa daan

Ginugulo ang buhok, minsa'y kinakaltukan

Ngunit hindi mo pa din siya kayang mahalikan

Katerno sa mga bagay, alam mo ang lahat

Natatawa ka na lang, kung ga'no siya kabarat

Totoo siyang tao, kahit hindi naman perpekto

Minsan kenkoy, minsan naman seryoso

Alam mo ang tipo niya, gan'un din siya sa 'yo

Kaso wala eh, nagiging plastik ang puso mo

Nahuhulog ka kasi sa bespren mong manhid

Sa kadami-dami, bakit sa tinuring mo ng kapatid?

Tama na ang asaran, ikaw lang ang nasasaktan

Tama na ang pagtulong sa kanyang nililigawan

Tama na ang pag-suggest ng bulaklak at kanta

Tama na ang pagsabing "sasagutin ka rin niya"

Gusto mo ng umiyak, kaso ang saya niya talaga

S'an ka lulugar 'pag ang bespren mo'y taken na?

Habang ika'y nilalamon ng matinding kirot at sakit

Nakatingin sa kanyang ngiti na dulot ay puro pait

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon