Duwag

557 21 10
                                    

Duwag

Kahit isang beses lang, gusto kitang kabigin

Ikulong sa mga braso ko, matatawag na akin

Kahit isang saglit, maramdaman mo sana

Pag-ibig kong hindi ko man lang naipadama

Kahit ngayon lang, gusto kitang hawakan

At ang labi mo’y nais ko sanang mahagkan

Mga mata’y sa akin lamang nakatitig

Parang noon, akin ang ‘yong pag-ibig

Huli na ako, patawad kong hindi kita nasalo

Pagkat ako’y duwag sa nararamdaman ko

Napalitan na ng lamig, wala na ‘yong init

Tuluyang naglaho, kay saklap ng sinapit

Ang puso mo’y nakalaan na para sa iba

At ako ngayo’y unti-unting nangungulila

Wala akong ginawa at ika’y aking nasaktan

Akala ko noon, isa ka lamang kaibigan

Pinilit kitang limutin, iniwan kita sa ere

‘Di sukat akalain, ganito ang mangyayari

Pagbalik ko’y iba na ang nagmamay-ari

Ng puso mong sa akin mo binigay dati

Pinilit kong ngumiti sa iyong harapan

Ibang kamay ang ‘yong hinahawakan

Ibang bisig ang iyong yakap-yakap

At ibang tao ang ‘yong hinahanap

Wala kang sinambit, ‘yun ang mas masakit

Naging manhid sa dulot kong puro sakit

Hindi ako duwag pero ibabaubaya na kita

Hanggang dito na lang ako, paalam na

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon