Limutin

78 3 0
                                    

Sa kalagitnaan ng sakit at walang-hanggang lumbay,
Sa puso kong may hapdi pa ring tinataglay,
At sa bawat alaala na mayro'n tayong dalawa,
Kahit kapiranggot ay mananatili sa aking diwa.

Sa kalagitnaan ng isang na-usyaming pangako,
At sa huli, mga salita mo pala'y mapapako,
At sa bawat salitang iyong binitiwan,
Kahit mahapdi, ayoko pa ring kalimutan.

Sa kalagitnaan ng mundo at ng akin,
Nang pag-ibig ay sumibol sa isang alanganin,
At sa iyong pamamaalam, nauwi ang lahat,
Sa patak ng luhat at alaalang kay big at.

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon