Halaga

733 28 6
                                    

Halaga

Nagkakamali siya, wala ‘yon sa katotohan

Kanyang iniisip ay sobra kang nasasaktan

Pakiwari mo’y nalalagutan ka ng hininga

Tuwing nakikitang may kasama s’yang iba

Rebound! Rebound lang naman ang turing

Daig pa ang pakiramdam ng isang hangin

Na’ndiyan lamang siya ngunit ang layo ng isip

Paghinga mo’y unti-kunting nang sumisikip

Syet! Gusto mong murahin ang sarili mo

Kung bakit ka nagpagamit sa isang tulad nito

Pagselosin ang ex, ‘yon naman ang plano

Umaasang babalikan kahit na naloko

Gusto mong isigaw, “Akin ka lang, pwede?”

Kaso wala eh, yakap niya’y nakakatorete

Dampi ng kanyang kamay sayo’y tila langit

Kahit patalim na, ikaw pa rin ay nakakapit

Umaasa kang makikita niya ang ‘yong halaga

At pag-ibig mo’y totoo, wagas at dakila

Umaasang buksan niya ang pusong nakasarado

At makita din ang halaga mo sa kanyang puso

K’unti na lang at hindi mo makakaya pa

Plastik na ngiti, kay tamis at kay saya

Makita lang niyang okay ka kahit hindi naman

Ang sarap niyang batukan para matauhan

Kaso mahal mo at nahahawa ka na sa katangahan

Pareho kayong nagdurusa sa karimlam

Puso niya’y iba ang iniibig, bakit ganito?

Kailan ba ang ‘sang tulad niya’y mapapasaiyo?

Hanggang dito na lang ba ang ‘yong halaga?

Binigay mo naman ang lahat, hindi ba?

Umaasang ang puso niya’y magbabago

Kahit ang kakawang ikaw ay madalas nagagago

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon