Kunwari

263 14 2
                                    

Kunwari

Tikom ang bibig, ako’y napipipi sa tuwina

Kapag ako’y napapatingin sa ‘yong mga mata

Walang kasing-ganda, walang kasing kinang

Ngunit alam kong ako’y hanggang tingin na lang

Mulat ang aking mga mata ngunit ako’y bulag

Sa pag-ibig kong ito’y kay tagal nang naduduwag

Minamahal pa rin kita kahit kitang-kita ko naman

Na ikaw ay may mahal ng iba sa simula pa lang

Blanko ang isipan kapag ikaw na ang pag-uusapan

Kahit gaano katalino ay nabobobo din paminsan-minsan

Inuuna ang pusong hibang naman kung magmahal

Tanga na kung tanga, kailan ba ‘to magtatagal?

Pinilit kong mamanhid ang puso ko nang makita kita

‘Pagkat kamay mo ngayo’y hawak-hawak na ng iba

At ang ‘yong mga ngiti’y ay hindi naman para sa akin

Kunwari di ako nasaktan, kunwariang damdamin

Napabuntong-hinga kasabay ang paghahangad

Na sana’y akin ka na lang, kahit pa isang huwad

Hindi mo ako kilala, ni hindi mo alam ang pangalan ko

Pero maniwala ka, iniibig kitang totoo..

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon