Torpe

1K 34 36
                                    

Hindi ka naduduwag pagkat ika'y lumalaban

Sa pagmamahalang, 'kaw lang ang may alam

Bakit ba kasi, sa kanya tumibok ang puso mo?

Para kang nagpukpok ng bato sa sarili mong ulo

Ang hirap niyang iwasan, ang sakit naman isipin

Kapag sa kanya, damdamin mo'y hirap umamin

Sa kanyang ganda, natotorete kang bigla-bigla

Boses ay nawawala, tuhod mo'y nanghihina

Hindi ka mahina, hindi mo lang talaga masabi

Pagkat ika'y walang tiwala sa iyong sarili

Malayo ka kasi sa tipo na kanyang iniidolo

Walang wala ka, isang suntok sa pagkatao

Natatakot ka lang, sana ay kanyang mapansin

Wala mang salita, mensahe mo sana'y makarating

K'unting lakas ng loob, masasabi mo din

Minamahal mo siya, sana'y kanyang dinggin

Sana pag sinabi mo, 'wag sana siya lalayo

Ang nais lamang ay puso niya'y mapapasa'yo

Torpe man ngayon, isang torpeng nagmamahal

Sa panalangin, kasama siya sa 'yong dasal

Plastik mang maituturing ang 'yong katahimikan

Humanap lang ng tiyempo, kahit nasasaktan

Para sa kanya,  isa ka lamang matalik na kaibigan

Makikita niya, siya ay iyong haharanahin at liligawan

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon