Akin Na Lang

353 11 1
                                    

Makasarili man akong maituturing,

Kung pag-ibig mo ang nais kong hihingin,

At ang yakap mo ang aking aasamin,

Sa tuwing gabi’y malamig at madilim.

Pagtawanan man ako ng lahat,

Sapagkat ako’y di karapat dapat,

Sa mala-prinsesa mong kaanyuan,

Habang ako’y isang kapos palad lang.

Akin na lang ang ‘yung mga luha,

Umaagos hanggang sa aking kaluluwa,

Ang iyong lungkot ay tila ba patalim,

Ang lahat ng ‘yan ay ibigay mo sa akin.

Kahit anong pasakit, kaya kong tanggapin,

Kahit na mawawala ang sarili kong ningning,

Yayakapin pa rin kita nang mahigpit sa dilim,

Ngingiti pa rin ako kahit nasasaktan nang palihim.

Akin na ang lahat ng iyong hinagpis,

Sa akin mo ibunton ang ‘yong mga inis,

Kahit mala-impiyerno na ang aking mundo,

Kapag galing sa’yo, langit pa rin ang turing ko.

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon