Engot ka

200 8 2
                                    

Engot ka

Engot ka talaga at nakakaya mo ang sakit

Sa bawat luha, sinasalo mo ang bawat pait

‘Pagkat tamis ng pag-ibig ay tila ba hangin

Nawala sa isipan ko, nawala sa hangarin

Engot ka talaga at nakakaya mo ang pagod

Magmahal ng babae, nagdadasal, nakaluhod

‘Pagkat puso ko’y bato sa sakit na natamo

Naglaho ang saya, bulaklak na naging tila damo

Engot ka talaga at nagpapakatanga ka na

Umaasang ang pag-ibig mo’y masusuklian pa

‘Pagkat alam mong may wakas ang bawat iyak

H’wag lang ako mawawala, maging iyong kabiyak

Engot ka talaga at pinapaiyak mo ako lagi

Gusto kong maniwalang  ‘di ka lang isang kunwari

‘Pagkat nabubuo mo ang nagpipiraso kong mundo

Hindi mo lang alam, kasi engot ka nga..

   …pero minamahal ko..

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon