Sakim

260 12 0
                                    

i.

Kung inakala mo mang prinsipe ako,

Patawad kung nagpanggap ako sa ‘yo.

Nagmahal kasi ako ng isang bituin,

Kahit alam kong kay hirap mong abutin.

ii.

Gusto kitang hawakan, kahit saglit lang,

Kahit na ako’y nagbabalot-kayo lamang.

Kahit balang araw, malalaman mo din,

Na ako’y huwad at di dapat mahalin.

iii.

Walang pinag-aralan, walang ipinagmalaki,

Sa buhay kong napupuno ng pighati.

Ikaw ang tamis, ikaw din ang aking pait,

Sa iyong ningning, ako’y iyong naakit.

iv.

Kasalanan kong minahal mo na ako.

Patawad kung ako’y lumayo sa ‘yo.

Poot man ang ibunton mo sa akin,

Pinalaya lang kita sa puso kong sakim

PasiliP (Poetry Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon