14

79 21 5
                                    

Nagising ako dahil nangangatog ako sa lamig. Lito ako sa paligid ko at ang sakit ng buong katawan ko. May stiff neck pa ata ako. Bakit ako nasa labas ng bahay?


Then I remembered what happened last night. A few hours ago lang pala kasi 4:30 palang ng umaga.


Fuck. God. Dammit. Cara.


The events replayed in my head as I was under the shower. Lahat ng mga sinabi ni Jaxx inulit ko kahit nasasaktan ako. What happened five years ago, ni isa sa amin nakapag-move on. Pero ang mga pinakamasakit ata sa mga sinabi niya ay yung naisip niyang I wanted to abort Justin at yung huli na wala na akong halaga sa kanya.


At ako ang may kasalanan noon. I put myself in this situation. Sinayang ko ang pagkakataon namin ni Jaxx. It wasn't even because I pushed him away. Minahal nya pa rin ako. He sent me my favorite flowers. It was when he found out that I've been concealing my pregnancy and akala nya pang gusto kong ipalaglag anak namin. That was the deadline I missed years ago. Not Justin's birthday two weeks from now.


Mali si mommy. It was too late. It's actually five years too late.


August, kahit kalian, ikaw pa rin talaga ang pinaka malas na buwan ng buhay ko.


Una, dahil August akong na fracture noong bata pa ako. Sunod, nangyari yung kay Collin. Then, si Jaxx naman, siya naman ang nangyari. Then Justin, he was supposed to be born September pero napaaga. Tapos, ngayon, five years after, eto na naman tayo. Bakit ba ako pinagti-tripan ng Agosto!?


Ayoko talaga sana pumasok. Wala akong gana mag-opera o makipag-usap sa mga pasyente. Ayoko makipag-biruan sa mga tao, ayaw ko makita si Derek o si Jasmine o si Kaloy. Ayaw ko sumagot sa conference. Ayaw ko magbasa at mag-aral. I didn't want to see the hospital. I didn't want Justin to see me this way. I just wanted to cry in bed the whole day. Tutal, nagkulang naman ata ng tubig ang La Mesa Dam dahil sa El Niño.


Pero hindi pwede. Kasi may mga pasyenteng nangangailan ng tulong namin, may mga taong umaasang gagaling sila at hindi namin sila pwedeng pabayaan. Mahirap silang ma disappoint, lalo na ang mga bata na umaasang makauwi sa kanila makipaglaro na sa kanilang mga kapatid.


So, I sat up in front of my vanity table and began to apply concealer and some make-up to make me look brighter and colorful kahit na nalugmok na ang loob ko and all I felt was black. I picked out something to wear and dragged myself out of the house.


Minsan talaga gusto kong mag time-out kahit one day lang sa pagiging doctor. One day lang.


"Babe, pa-cover naman muna sa OR. May emergency na charity case e," Jasmine told me as I discharged the last patient in the OPD.


Tumango lamang ako.


"Nandun na ang patient sa OR. Case with Dr. Montebon. Wala pa siya but they were setting up na."


I nodded again. She stopped and looked at me. "Huy, okay ka lang?"


Five Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon