Pikon na pikon ako sa mga tao sa mga sumusnod na araw. Kung ganoon pala isip nila sa sa akin, e di sana sinabi nila noong una pa lang! Hindi yung akala mo okay lang lahat tapos biglang sasabog na lang. E ayaw ko pag-usapan buhay ko, bakit ba? Kung atat na atat silang magbalikan kami ni Jaxx, e di sila gumawa ng paraan! Hindi ako ready!
"Nakakapagod ka naman kausap, Cars. When will you be really ready? Yung wala nang atrasan?" tanong ni Val, halatang hindi interesado. She just let me rant at nakikinig lang sya habang pinapanood yung nagpepedicure sa kanya.
"Ewan! Soon. In due time," sagot ko. "Miss, wag niyo na lang po tanggalin ang cuticle, masakit e."
Nasa lanai kami nila Val, nagpapa home service na mani-pedi. Si Ace ay kanina pang nasa telepono kausap si Bart, habang si Seb was reviewing the web page na ginawa ni Bart para sa business ni Chino at ng pinsan nya.
"In due time? Carabiner, ang pagbubuntis ng tao nga nine months lang, ano ba naman tong revelation mo, daig pa pagbubuntis ng elepante," sabi ni Seb habang patuloy nakatingin sa laptop.
"Hindi naman kasi to pagbubuntis. Ilang taon nagpapalaki ng bata until legal age? Diba eighteen?"
"So, eighteen years mo balak maghintay bago makipag-usap kay Jaxx?" tanong ni Ace nang bumalik sya sa lanai.
"Correction, thirteen na lang kasi five na Justin," paalala ni Seb.
"Hay naku, Scarlet." Napabuntung-hinga si Val. Ngumiwi ang mukha ni Ace at umiling sya.
"Ano? Don't tell me pati ikaw? Pati kayo?" I glared at them. "Seb?"
"Oi, labas na ako sa isyu niyo ni Jaxx. Guys, hayaan niyo na siya. It's her life," sagot ni Seb. Hindi pa rin sya tumitingin sa amin.
"Thank you!"
"So you'll just let her ruin both their lives kasi she's so stubborn?" tanong ni Ace kay Seb.
"Anong both? Sinong ikalawa?"
"Malamang yung anak mo! Ano ba. Tingin mo si Jaxx tinutukoy ko?"
"Hindi naman," maikling sagot ko habang nararamdaman ko nang umiinit ang tenga ko.
"Oo eh, you were expecting si Jaxx! Aminiin!!" alaska ni Val. "Liar, liar, pants on fire!"
"I don't see any flame anywhere." Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Pulang-pula na tenga mo, girl."
"Guys, whatever. It's her life. Kung gusto niyang maging miserable, so be it. Wag lang syang mandamay, diba?" Finally, tiningnan na kami ni Seb. "Okay ba, Scarborough shoal?"
"Seb, if you're trying to do some reverse psychology shit on me, it's not going to work," I rolled my eyes at him.
BINABASA MO ANG
Five Years After
ChickLitFive years after, Cara is a senior surgical resident and is on her last year of training. She finally fulfills the first half of her dream and is ready to take on the next. Five years after, Jaxx has become a well-known business analyst. He has gain...