32

61 12 0
                                    

Nang nagkamalay ako, narinig ko ang tunog ng cardiac monitor na panay ang pag-beep. Agaran kong binuksan mga mata ko at napaupo ako ng maayos habang pinagmasda ang paligid ko. Malakas ang ulan at kumukulog pa.


Nasa malakaing silid ako na kulay puti ang mga pader. Nakapatay ang karamihan ng ilaw at may mga kulay blue-gray na privacy curtains. Nang mapagtanto ko kung nasaan ako, nakahinga ako ng maluwag na hindi ako ang nakahiga sa hospital bed. Ngunit di nagtagal, nakaramdam ako ng matinding kaba nang makita kong walang tao sa kama na kinaharap ko sa recovery room.


Napatayo ako at pinagmasdan ang silid ngunit walang kakaiba dito. Ang mga nurse ay nasa station, may mga doktor na kinakamusta mga pasyente nila. Napatingin ako sa mga kamay ko: wala naman akong swero at wala nga rin akong kahit anong sugat o dressing. Hindi ako nasaktan.


Dumiretso ako sa mga operating room para mangusyoso. May isa pang operasyon na nagaganap. Sinuot ko ang surgical mask ko para sumilip sana sa loob nang may lumabas na nurse.


"Hi doc, bakit po kayo nandito?" Aniya.


"Anong kaso to at sinong surgeon?"


"Si Dr. Valle. Bente-otso anyos na bumangga sa truck. Dumugo ang utak," payak nyang sagot at saka naglakad na palayo.


Hindi iyon ang pasyente ko. Nagbihis na ako ang lumabas ng OR. Hindi ko sigurado kung sino ang hinahanpa ko, kung tama bang may hanapin ako. Pilit kong inalala kung pano ako nakarating sa ospital matapos ang putukan sa korte nang bumangga ako sa isang tao.


"Grace! What the hell are you doing? Are you trying to escape?"


"Shhh! Of course not!" mabilis nyang sagot, habang nagtitingin sa corridor kung may ibang tao ba. Tinaasan ko sya ng kilay at umamin din siya. "Well, yes. I have to get out of here. I just told everyone about Collin, now he's going to kill me for sure."


"Pero kakalabas mo lang galing surgery!"


"It was a flesh wound, see?" hinila nya ang gown pababa para ipakita sa akin ang putting dressing sa may balagat nya.


"Alam mo, sa suot mong iyan, sa recovery room ka lang dapat pumunta," ani ko. Ang tanging suot nya ay ang puting hospital gown na may pangalan at logo ng ospital sa dibdib. Kahit mahigpit ang magkatali nito sa likuran, nakikita ko pa rin ang katawan nya sa tuwing kumikilos sya. Naka yapak lang rin sya. Gayun pa man, maayos na naka ponytail ang buhok niya at mukhang may konting make up pa sya. Nagmukha tuloy siyang bagong gising galing sa beauty sleep. Kung tutuusin, mas mukhang tao pa sya kaysa sa akin.


Only a supermodel can look this good after nearly dying! I stared at her in envy.


"Yes, pero mas gustuhin ko nang sa ibang lugar na ako magbihis. Anywhere but here," malakas niyang bulong. Hinila nya ako para magtago sa likod ng isang pader. Sumilip pa siyang minsan sa pinanggalingan namin. Nang humarap sya sa akin, gumewang siya ng konti kaya napakapit sya sa mga braso ko. Puno ang mga mata nya ng takot at pangamba.


Siniyasat nya ako mula ulo hanggang paa bago niya hiniram sapatos ko. "Can I borrow your shoes?"

Five Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon