31

52 12 0
                                    

"Objection, Your Honor!" biglang angal ni Atty. Yara. Sabay nilang hinampas ang kanilang mga kamay sa mesa. Napawi ang lahat ng yabang nya at sa isang iglap namutla sya na parang kabuki dancer. Kahit si Jaxx napanganga nang makita namin syang pumasok mula sa kanang parte ng silid.


"Ano na naman ngayon, Atty. Yara? Ano, hindi niyo na ba patatapusin ang kasong ito?" galit na tanong ni Judge. Nang hindi makapagrason ang abogada, hinayaan ng huwes na maupo na ang witness.


Kaming lahat nakatutok lamang sa kanya hanggang sa makaupo siya sa stand. Pormal at konserbatibo ang suot nitong burgundy na shift dress na may cap sleeves at nagtatapos sa may tuhod nya. Hindi sya naka killer heels ngayon, kundi three-inch stilettos lang na kulay itim.


"Please state your name."


" Grace Nelson."


"Do you swear by the Almighty God that the evidence you shall give will be the truth, the whole truth, and nothing but the truth?"


"I solemnly and sincerely declare and affirm that the evidence I shall give will be the truth, the whole truth, and nothing but the truth," Grace affirmed.


Hindi sila handa sa alas na pinalabas ni Johann. Kahit ako man, I had no idea what she was doing here. Hindi ko rin alam if I could trust her. Baka bigla na lang niya kaming ilaglag. Kaya siguro ako kinabahan kanina. Maybe this is why I felt na merong masamang mangyari.


Nang nagsampa ako ng karagdagang kaso laban kay Collin, binawi ni Grace ang mga akusasyon niya laban kay Jaxx. Gumawa sya ng statement sa social media na binabawi nya ang mga ibinintang nya kay Jaxx, na wala siyang ginawa na labag sa kalooban niya. Inamin niya na walang alam si Jaxx sa nangyari at may ibang tao na dapat sisihin.


Wala pang sampung minuto na nagpahayag si Grace, bumalik na si Jaxx bilang most eligible bachelor, this time dumami pa nangha-hunting sa kanya kasi maganda lahat ng sinabi ni Grace tungkol sa kanya.


Tahimik ang buong korte at sinimulan na ni Johann na kwestiyunin si Grace, simula sa paano niya kakilala si Collin at kung ano ang relasyin nilang dalawa. Lahat ng tanong ni Johann tinatatag niya ang kredibilidad ni Grace at kung ano ang partisipasyon nya sa pangyayari.


Pareho ang lahat ng sinabi nya sa witness stand sa mga naamin nya na sa akin noong gabi na tumakas kami kay Collin. Mas madrama lang ng konti pero wala siyang binago sa mga katotohanan. Same facts, same confession. Okay na sana kaso when Johann was finished, Atty. Yara stood up to cross-examine her.


Inayos nya ang upo niya, halatang kinabahan, but she held her chin up at nilabanan ang makamandag na titig ng abogada.


"You made a deal with my client. Correct?"


"Objection, vague," walang gana na singit ni Johann. Sinamaan sya ng tingin ng defense attorney pero binago rin nito ang tanong.


"You made a deal with my client to frame and blackmail Mr. Jackson. Correct?"


"Yes."

Five Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon