Ilang linggo na ang nakalipas at wala pa ring balita tungkol kay Grace. Walang nakakaalam kung nasaan sya, ni anino nya walang nakakita. Pinagdasal ko na sana nasa mabuting kalagayan sya, n asana hindi sya nahuli ni Dexter o kung sino man sa mga goons ni Collin.
Unti-unting napaliwanag sa akin ang mga nangyari. Habang lahat ay abala sa away ni Grace at Vivienne, sinunggaban ni Collin ang guard na pinakamalapit sa kanya at nakuha nya ang baril nito. Binaril niya si Judge at Grace bago itinapat ang sandata sa sarili. Napigilan na naman siya ni Jaxx bago pa man nya ito mapaputok. Subalit dahil sa agawan nila, nabaril nya ang guard at tinamaan ito sa dibdib. Dinala tio sa ospital ngunit kalaunan ay hindi rin sya nabuhay.
Nadurog ang buto sa braso ni Judge Babaral at kinailangan syang operahan. Si Grace na nga ang pinakamaswerte sa kanila kasi tagusan man ang tama ng bala sa may itaas na parte ng dibdib nya, wala itong tinamaan na vital organs. Kaya nya nasabi na ang natamo nya ay isa lamang na "flesh wound".
Naikulong na si Collin sa high security prison at hindi siya binigyan ng piyansa. Hindi pa rin natatagpuan si Rose at dahil dito, nag nervous breakdown si Vivienne. Pinag walang bisa na ang mga akusasyon laban kina Pancho at Damien. Kapalit nito ay impormasyon at lahat ng mga nalalaman nila tungkol sa sindikato na sinabi ni Grace. May mga leads lang sila pero walang ebidensya na malakas para may maaresto na tao. Kung kaya naman bukas pa rin ang modeling agency nila Collin, datapwat humina ito ng todo. Maraming nagsi-alisan na mga modelo dahil sa skandalo.
"Ano na naman iniisip mo?" tanong ni Chino. May dala siyang iced latte para sakin. Hiniling niya na magkita kaming dalawa dahil may gusto siyang itanong tungkol kay Grace. Sabado naman kaya nasa village kami. Palubog na ang araw at si Justin nasa bahay nanonood ng cartoons kaya pumayag ako na magkita kami sa playground.
"Naisip ko lang kung gaano ka gulo yung mga nakaraang linggo. At dahil doon, nakalimutan natin ang kaarawan ni Jaxx."
"Ikaw lang nakalimot," panunya niya at umupo sya sa swing na katabi ko. "Nag-celebrate pa rin kami."
"Bakit hindi ako imbitado?" nagkunwari akong nasaktan. Pero sa totoo, medyo nasaktan talaga ako, subalit wala naman ako sa lugar para magalit.
Gusto ko kasi sana makapag-celebrate ng birthday nya. Gusto ko sana na meron kaming konting selebrasyon, kahit kaming tatlo lang ni Justin para espesyal. Kaso nga lang ang daming nangyayari noong mga panahon na iyon at hindi naman kami magkaibigan pa, kaya naintindihan ko kung bakit hindi niya ako inimbitahan sa pagsasalu-salo nila.
"Wag ka nang malungkot. Nagtrabaho lang naman kami. Kahit na noong umalis na sya para dumalo sa isang party ng mga amigas ng Mamá nya, kami pa rin kausap niya," tukso nya. "At wag kang mag-alala, wala siyang kasamang ibang babae, wala siyang inuwi. Umuwi siya sa amin ni Uno. Tigilan mo na yang kakaselos mo."
"Sinong nagseselos? Not me."
"Tss. Binisto ka na ng mga mata at tenga mo," pambara nya at uminom na lang ng kape nya. Hindi ko na maitago ang mapupula kong tenga kaya tinanggap ko na lang sinabi nya.
"Ano ba yung gusto mong tanungin sana?"
BINABASA MO ANG
Five Years After
ChickLitFive years after, Cara is a senior surgical resident and is on her last year of training. She finally fulfills the first half of her dream and is ready to take on the next. Five years after, Jaxx has become a well-known business analyst. He has gain...