"Babe, umuwi ka na, kami na bahala dito," ani ni Jasmine.
Mag-aalas dose na ng gabi at kakatapos lang namin mag-ayos ng endorsements. Iilang araw na lang kasi at magle-leave na silang dalawa ni Kaloy. Lahat ng naipon nilang sick leave at vacation leave ay sabay nilang kunin simula ng December one. Babalik na lang sila sa ospital sa graduation nila sa katpusan ng buwan. Kung hindi ako nabuntis at hindi nangyari tong gulo ni Collin, dapat sabay kaming tatlo magtatapos. Dahil doon, may halos apat na buwan akong extension at Abril pa ako magtatapos. Masaya ako para sa kanila datapwat may halong lungkot sa tuwing naiisip kong iiwan na nila akong mag-isa.
"O, 'wag ka nang malungkot. Hindi ka naman mag-iisa e," paalala nya. "Ang dami mo ngang alipin. Utusan mo lang sila. Ikaw na ang nag-iisang reyna ng Surgery. At wala nang mananampal sayo," dagdag nyang pabiro at tumawa kaming dalawa.
Napag-usapan na namin ang nangyari noon at napatawad na namin ang isa't-isa. Kahit na hindi ko man agad napagtanto ang mga sinabi nya dahil sa pride ko, natauhan din ako at humingi ng tawad sa kanila. Pinasalamatan ko silang lahat sa tulong nila. Nakakatawa lang isipin na kailangan ko pang masampal at masaktan para lang matauhan. Ang hirap kasi kausap ang pride, ayaw makinig sa maayos na usapan. Kailangan idaan sa dahas.
"Mami-miss ko lang kayo. Wala nang magugulo sa callroom."
"Anong wala? Puro isip-bata kaya mga kasama mo. Ilabas mo na ang pamalo at chalk!" tamang-tama pagkasabi nya noon, bumukas ang pinto at nag-uunahang pumasok si Sean at Joseph, humahagikhik at daliang naghahanap ng matataguan. Maya-maya lang ay pumasok si Carissa na nakasimangot at nakakuyom ang mga kamay.
"Sean! Nasaan kang panget na hayop ka? Ilabas mo ang mga listahan ng mga utang nyo!"
Wala namang mapagtaguan sa callroom kaya nakita rin sila agad at naghabulan pa si Sean at Carissa habang tumatawa sa isang tabi si Joseph.
"Tawa tawa ka diyan? Sunday duty ka, gago!" sigaw ni Carissa at biglang nawala ang ngiti sa mukha nito.
"Ma'am, wala namang ganyanan!" angal niya pero hindi na sya pinansin ng bagong Chief Resident dahil patuloy silang nag aagwan ni Sean sa isang maliit na notepad. Nagkatinginan na lang kami ni Jasmine.
"Sakto lang siguro ang gulo nila para sa apat na buwan, ano?" sarkasitong tanong ni Jas at napailing na lang ako. Magsinggulo lang sila ng anak ko. Kailangan yata bumalik nito ng mga ito sa Prep.
Pumasok isa-isa ang iba pang mga residente. Ang mga duty ay naguunahan sa bunkbeds, yung iba naman nagligpit na ng mga gamit para umuwi. Pero dahil magkakasama na naman kami sa callroom, hindi maiwasang magkwentuhan habang nagliligpit at napatagal pa ang istambay namin.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Jas.
"Maya-maya ng konti. Sige na alis ka na," pinilit nya ako ulit. Naging suspicious tuloy ako kung bakit gusto nya akong mawala sa paningin nya. May tinatago itong kababalaghan at kailangan kong malaman. Hindi ako aalis hanggat di ko alam!
"Ay wait lang, may naiwang ako sa mesa ko," binaba ko bag ko at mabagal na pumuntang desk. Nakpagbiruan pa ko sa kanila Carissa kaya hindi ko agad 'nahanap' kung anuman yung kunwaring nawawala. Nang makuha na ang notepad, nakitingin pa ako sa mga 'utang' ng dalawang mokong. Lahat na ginawa ko para lang hindi makaalis agad, habang si Jasmine ay abalang-abala na pauwiin na ako.
BINABASA MO ANG
Five Years After
ChickLitFive years after, Cara is a senior surgical resident and is on her last year of training. She finally fulfills the first half of her dream and is ready to take on the next. Five years after, Jaxx has become a well-known business analyst. He has gain...