chapter 9

231 6 2
                                    

City Girl

By Ms Sapphire

CHAPTER 9

     ISANG araw na ang nakalipas, pero si Sommers ay patuloy pa rin sa pago-overtime sa trabaho. Wala pa rin siyang balita sa kalagayan ni Cassie simula nang umalis ang mga ito papuntang America. Doon kase ipinanganak ang bata at nandoon rin ang cord bank nito. Nananalangin si Sommers na maging maayos sana ang pagpapagaling ni Cassie para sa mga magulang nitong labis na nag-alala.

“Ms Tinsley may problema raw po sa site sabi ng forman.” Balita sa kaniya ng secretary niya.

“Kailangan ba talagang pumunta ako doon?”

“Opo.”

She sight with disbelief. Naging patong-patong ang responsibilidad niya dahil na rin sa dumadami nilang projects. Kaya naisipan nilang dalawa ni Geoff na kumuha ng dalawang tao na tutulong sa trabaho niya. Since kanina pa nila pinost ang Ad ay malabong makahanap sila ng candidates agad-agad.

Tumayo na siya sa kaniyang kinauupaun, pero bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya kaagad siyang napabalik sa pag-upo.

‘I can’t get sick’ bulong niya.

Tinawag niya ang secretary niya mula sa intercom.

“Yes Ma’am?”

“Paki kuha nalang ako ng taxi papunta sa site.”

“Okay po.” Sagot nito bago lumabas ng opisina.

Kinailangan niyang lakasan ang loob niya. Tumayo siya ulit at nilapitan niya ang mini fridge na nasa may sulok. Mabuti nalang at may stock siya ng energy drink.

“Ma’am nasa labas na po ang taxi.”

“Sige salamat.”

Binuksan muna niya ang bote ng energy drink bago ininom lahat. Pagkatapos niyang itapon sa basurahan ang bote ay kinuha na niya ang mga gamit niya. Ang tinutukoy na site ng secretary niya ay ang isang commercial building na dinisensyo ni Geoff. Pagkatapos maitayo ito ay siya naman ang tatrabaho sa interior ng building. Mabuti nalang at may alam siya sa projects ni Geoff at mabuti nalang at may alam din siya tungkol sa Architecture.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

“Clark, handa na ang snacks para sa mga bata.” Wika ng kapatid ni Clark.

Inimbitahan niya sina Delene at Carlo na bumisita sa kapatid niyang babae dahil gusto nitong makilala ang anak niya at si Delene na rin mismo. Hindi naman nagpatumpik si Delene sa imbitasyon niya dahil noon pa nito gustong makilala ang pamilya niya. Kung hindi naputol ang relasyon nila noon ay baka naipakilala na niya ang babae sa mga magulang at kapatid niya. Ang ipinagtataka lang ni Clark ay ni hindi man lang siya nakaramdam ng konting panghihinayang.

“Hmmm you have a nice place.” Papuri ni Delene sa bahay ng kapatid niya.

Two story ang bahay na yari sa concrete. Isang tahimik na subdivision ang tinitirhan ng kapatid at bayaw niya. Isang city clerk ang bayaw niya habang ang kapatid naman niya ay dating guro sa high school. Pero mula nang manganak ito ay hindi na muna ito pumasok ulit para asikasuhin ang pamangkin niyang si Jay-Jay.

“Maupo na kayo naghanda ako ng minatamis na saging para sa mga bata.” Hinila ni Jenny ang isang silya para kay Jay-Jay.

“Mommy what is this?” tanong ni Clark kay Delene.

“They call it banana sweet. Your Aunt Sam-sam and I love it so much when we were little.” Sagot ni Delene sa anak.

Tumikhim si Clark “I didn’t know Sommers like this food?”

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon