Chapter 5

288 3 0
                                    

City Girl-5

By Ms Sapphire

         SINAMAHAN siya ni Ethan palabas ng hotel dahil nagkagulo na sa loob. Ang mga press ay mabilis nakakalap ng balita, at dahil public figure si Val ay sigurado siyang laman na naman ito ng news paper bukas. Naalala tuloy niya ang unang blind item ng kaibigan niya nung nag back out ito sa engagement party nila ni Alex. Humiwalay na siya kaagad kay Val at Alex na hindi naitago ang pag-aaway. Si Tyler naman ay dali-daling dinaluhan ang asawa sa loob ng banyo. Nasa labas na sila ni Ethan ng hotel ng makasalubong nila ang mga medics.

“Sommers, Ethan wait!” sigaw ni Val sa kanila na nagtatakbo palayo sa mga press.

Panay pa ring kumukuha ng mga larawan nila ang press habang naglalakad sila papuntang parking lot. Hindi pa naman siya sanay na pinakiki-alaman ang kaniyang personal na buhay dahil ayaw niyang ginagawan siya ng issue.

Nasa harapan na sila ng kaniyang sasakyan ng huminto ang isang SUV. Ibinaba ng driver ang bintana nito…

“Sakay na kayo!” utos ni Alex sa kanilang tatlo. Dali-dali silang sumakay palayo sa hotel. Ipapakuha  nalang daw ni Alex sa driver nito ang sasakyan niya bukas ng umaga.

                   IT was already past midnight and Sommers is still wide awake. She was hugging one pillow and curled up her legs into a fetal position while staring at the bright full moon outside her window. Winds blowing carelessly in her bedroom window, tugging and pulling the sheer curtains endlessly. Oh how she marvelously adore the moon in all its glory. Just like the fairy tale stories her mom used to read her. A perfect picture she remembered from a story book, sleeping beauty. Age is not a hindrance for her to stop believing fairy tales. She will never outgrow that belief, that someday Prince Charming will come and ask her to marry him. And hopefully, they will live happily ever after!

She smiled wryly for that thought.

Then,  crystal clear teardrops falling on the side of her right cheek. Her love for Clark will never recede from its position. He will always have a soft spot in her fragile heart. Does the more you hate the more you love apply? ‘cuz heck yeah she love him more day by day and at the same time---hated him for rejecting her love. Especially now that they were apart--- no communication means suicide. A soft cry came out from her mouth. How could life be so cruel? All she ever wanted is to be with him and feel his warm body and soft lips. She wants to endure that feeling of being loved by the man she truly love.

Growing up was sort of difficult for her. She never had enough time getting to know her sister Delene after their parents divorce. She knows that her mom tried to fill that gap, but she still feel hallow and empty inside. There’s a longing inside her that only Clark’s love can satisfy. She was certain of that because she never felt fullfilness in someone elese’s arms aside from Clark.

                 NAGBABASA siya ng newspaper ng umagang iyon sa loob ng kanyang opisina ng mahagip ng kaniyang paningin ang larawan ni Sommers at dalawa pang kaibigan nito. Muntik na niyang masagi ang tasa ng kape dahil nasa iisang larawan lang nakatitig ang kaniyang paningin, kay Sommers. Hindi pa niya nakikita ang babaeng nagsuot ng skimpy clothes gaya ng sinusuot nito sa auction night. Binasa niya ang laman ng article para malaman kung ano ang kinalaman ng babae sa issue.

Binuksan niya ang isang drawer sa harapan niya para kunin ang gunting. Nais kasi niyang gupitin ang picture ni Sommers na nakayuko at nagmamadaling umalis. Alam niyang dati ng nagusuot ng body fitting na damit ang dalaga, pero hindi pa niya ito nakikitang nagsuot ng isang mini dress na halos wala ng maitatakip sa kaiklian. Sigurado siyang pinagnanasaan na ito ng mga kalalakihan. Teka, bakit nga ba siya magseselos? Una sa lahat wala siyang karapatang magselos dahil hindi naman sila nagkarelasyon. Their relationship was strictly no strings attached.

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon