Kinuha niya ang isang paint can at binuhos sa isang container. Baby girl ang magiging anak ni Jenny kaya ang ipipinta niya sa buong room ay kulay pink na may brown polka dots sa isang dingding. Gusto niya ng maraming contrast sa buong room. Yung hindi lang iisang shade ng pink. Gusto niya ng may ashes light pink as a highlight. Then lalagyan niya ng isang sheer net canopy ang basinette na kulay puti. Napaka pink naman tingnan kung pati ang basinette ng bata ay puro pink din kaya gagawan nalang niya ito ng white sheets, blanket and pillows na may embroidery ng intial ng baby na kulay pink. She found a matching Rug at the store na may butterflies na black with pink.
Nagsisimula na siyang magpinta nang pumasok ang tatlong taong gulang na pamangkin ni Clark na si Jay-jay. Naaaliw siya dito dahil napakadaldal nito. Masayahin din itong bata kay hindi siya nagsasawang makipag-usap dito.
“What are those..?” tanong nito sabay turo sa hawak niyang roller brush.
“A paint brush. I’m going to paint your sissies bedroom.” Umakyat na siya sa foldable ladder para magsimulang magpinta.
“Can I hep?” natatawa siya minsan dahil may pagka bulol pa rin ito.
“No sweetie you’ll get dirty. You can sit right at the door and watch me paint if you want.” Tinuro niya ang stool malapit sa pintuan. “There’s a tiny chair for you to sit down.”
“Okay..” sabi nito sabay upo sa upuan.
Nagpatuloy na siya sa kaniyang ginagawa. Hindi pa siya nakakapangalahati sa pagpipinta ng marinig uli’t niya ang boses nito.
“Am bored.” Malungkot na saad nito. Umalis kasi si Jenny para sa monthly check up nito. Si Jim naman ay nasa trabaho kaya sa kanya naiwan si Jay-jay.
Bumaba siya para daluhan ito. Nagtalungko siya sa harap ng bata. “What do you want us to do?” nakangiting tanong niya sabay kusot sa ulo nito.
“I—want to swim!” tinuro pa nito ang dib-dib.
Nag-isip muna siya kung may dala siyang swim suit sa trunks niya. “Let me check in my car if I bought a swim suit with me.” Tumayo siya at inilahad ang isang kamay dito. “You want to come?” Hinawakan niya ito ng mahigpit ng maramdaman niya ang maliit nitong kamay.
May malaking swimming pool ang mga ito sa likod ng bahay. Kahit na walang katulong ang pamilya ay malinis ang buong kabahayan. Binihisan muna niya ang bata bago siya pumasok sa banyo at nag bihis. Buti nalang at may dala siyang duffel bag nung pumunta sila ni Clark sa resort. Mga maruruming bihisan lang naman ang kinuha niya sa bag na yun. Pag labas niya ay taimtim na naghintay sa kaniya si jay-jay sa ibabaw ng kama nito.
“Are you ready buddy?” tanong niya dito.
“Opo.” Bibo nitong sagot sabay lundag sa kinauupuan nito.
Bago siya uuwi ay dadaanan muna niya si Sommers sa bahay ng kapatid niyang si Jenny. Nagpromise kasi siya dito na tutulungan niya ang babae sa pagdedecorate sa kuwarto ng magigng bagong pamangkin niya. Medyo natagalan siya sa Clinic dahil sa huli niyang pasyente na kinailangan ng urgent filling sa isang ngipin nito.
Kinuha niya ang dalang bulaklak para kay Sommers na nasa passengers seat at tinungo ang main door. Napahinto siya sa pagpasok ng susi sa key whole dahil sa naririnig na ingay sa likod ng bahay kung nasaan ang pool. Naririnig niya ang ang malalakas na tawa nina Sommers at Jay-jay. Dali-dali siyang pumasok at patakbong tinungo ang guest room kung saan may konting damit siya.
“I swim! I swim!” sigaw ni jay-jay na may maliit na floater sa katawan nito. Ginagaya nito si Sommers sa paglangoy na parang aso.
![](https://img.wattpad.com/cover/1015798-288-k967896.jpg)