Chapter 2

342 5 0
                                    

              Inayos niya ang kaniyang kurbata bago lumabas ng bahay. Nakita niya si Sommers na nakasandig na sasakiyan nito sa labas ng bahay niya. Napakunot ang kaniyang noo. ‘Ano na naman ang pakulo ng babaeng ito?’ tanong ng kaniyang isipan. Ilang araw na niyang iniiwasan ito. Hindi rin niya sinasagot ang tawag nito sa opisina. Napilitan siyang lapitan ito.

“Good Morning loverboy.” Bati nito sa kaniya na nakangiti.Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang labi.

“Ba’t narito ka? Paano mo nalaman ang address ko?” tanong niya dito matapos siyang halikan ng babae. Pumulupot ang mga braso nito sa leeg niya na parang lagi na nitong ginagawa iyon noon.

“I told you I have my ways.” Natatwang sagot ng babae.

“Brenda will get a pink slip on the mail first thing in the morning.” Alam niyang magaan ang loob ng secretary niya sa babae. Hindi niya mawari kung ano ang nakita nito kay Sommers bukod sa pagiging maganda. No that’s an understatement dahil sobra pa sa ganda ang babaeng kaharap niya ngayon. Mas kilala na ito ni Brenda kesa sa kaniya kaya siguro nagiging bias ito.

“Can I give you a lift? Malapit lang naman ang Office ko sa Clinic ninyo. Please…” kumuyapit uli’t ito sa kaniya at nag pout. She gave him a puppy eyes. Napangiti siya bigla bagay na pinagtakhan niya dahil madali lang siyang gumigive up tuwing naglalambing na ang babae sa kaniya.

Habang daan ay masaya silang nagkukwentuhan. Marami rin siyang nalamang mga bagay mula sa babae. Masarap talaga itong magdala ng conversation. Palagi itong may mga interesting topics na naiisip. Bagay na hinahangaan niya dito dahil konti lamang ang nabibiyaan ng ganoong gift. 

Bago siya bumaba ng sasakiyan ay hinawakan ni Sommers ang kaniyang braso. “Wait. Can we have dinner tonight at my place? I’ll prepare everything.”

“Hmmm what time?” tanong niya dito.

“It will be ready at seven.” Sagot nito.

“Ok I’ll be there.” Bumaba na siya at pasipol-sipol pa ng pumasok siya ng Clinic.

Nagbulungan ang mga tao sa loob ng Clinic. “Masaya si Doc.” Bulong ng isa. Hindi na niya pinansin ang mga ito at dire-diretso na sa loob ng opisina niya.

                Pakanta-kanta pa si Sommers habang inaasikaso niya ang nakatambak na mga papeles sa ibabaw ng mesa niya. Nakabukas ang pintuan ng kaniyang opisina ng pumasok si Geoff at inabutan siya ng mainit na kape.

“Hi.” Bati niya dito. “Thank You.”

“Pupunta ka ba ng field ngayon?” tanong ni Geoff habang umupo ito sa paharap sa kaniyang mesa.

“Yes. I have to dahil kung hindi ay baka mawala ang contract natin sa kaibigan ni Mr. Reyes. I also have to check the Tamayo account bago ako umuwi mamaya. I just have to check everything dahil nakakahiya kay Zack kung may kulang sa projects natin sa kaniya. Also, Kelvin and Ciara wants to hire me for the renovation of their resort.” Mahabang pahayag niya dito. Tumango-tango lang ang lalaki habang tahimik pa rin na naka tingin sa kaniya.

Napakunot ang noo niya dito. “May problema ba?” tanong niya dito.

“I just had this weird feeling na may mangyayaring masama. I just don’t know what? You know I’m always like this if I felt something.” Umayos ito ng upo at bumuntonghininga. “Anyways, aalis din ako at aasikasuhin ko rin ang isang ancestral home sa Lipa.”

Nagkibit balikat siya sa sinabi nito. “Forget about it Geoff baka kabag lang yan.” Tukso niya dito. He smirk and stood up. “I’ll give you the benefit of the doubt but next time…. Next time I assure you that I’m right.” Banta nito sa kaniya

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon