Chapter 7

238 5 0
                                    

City Girl-7     

Ms Sapphire

                “Shut up!” exagerated na wika ni Sommers kay Valerie. Nasa isang botique siya kasama ang mga kaibigang sina Valerie, Ciara, Samantha, Piper, Amber at Nikki.

“Yes.” Pabulong nitong sabi “Sinabi sa akin ni Alex kagabi na magfafile na raw ng divorce si Tyler kay Vanessa.”

“Oo tama. Binanggit rin ni Ethan sa akin yan kagabi.” Kumpirma ni Nikki.

Kinuha niya ang isang strapless evening dress na may silver at black sequins na hanggang talampakan ang haba. Medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta ng gatherings kung saan ay puwedeng maisuot ang damit na hawak niya.

“Ano sa tingin ninyo bagay ba?” inilapit niya sa kaniyang sarili ang damit para makita ng mga kaibigan na kasalukyang namimili sa mga racks maliban kay Ciara na naka-upo lang sa tabi. Sa laki kasi ng tiyan nito ay nahihirapan na itong tumayo ng matagal. Kinailangan pa nilang pilitin itong sumama sa kanila ngayong araw dahil lagi nalang itong natutulog. Pati ang asawa nitong si Kelvin ay gustong lumabas minsan ang babae para makapaglakad at may ehersisyo.

“You look good on that dress.” Kumento ni Ciara.

“So totoo bang bumalik na si Delene?” tanong ni Amber.

Sommer rolled her eyes. “Oo.”

Hindi niya naitago ang kaniyang pagkairita sa huli nilang pag-uusap ng kaniyang kapatid. “Kahapon lang kami nagkita dahil inimbitahan ako ni Dad na mag dinner sa bahay niya at para i-celebrate na rin ang pagdating ni Delene at Carlo. Hindi ko alam na ang madadatnan kong eksena ay karumaldumal. Akalain nyo ba namang si Clark pala ang ama ni Carlo?”

“Paano nangyari yun?” nakakunot noong tanong ni Nikki.

“Oo nga,” segunda ni Piper “e wala naman tayong Clark na nakilala o alam na naging nobyo ng kapatid mo a. Paano nangyari na nabuntis siya ni Clark?”

“Ang sabi ni Daddy sa akin ay pinaghiwalay raw niya ang dalawa kasi mahirap lang daw si Clark. And knowing my Dad he’s always get what he wants. That reminds me of my parents story. Ayaw rin ni lolo sa mama ko dahil galing sa mahirap lang si mama.” Paliwanag niya sa mga ito.

“Nagka-usap na ba kayo ni Clark?” tanong naman ni Valerie.

“Hindi masyado. Tulala pa yung tao nung hinatid niya ako. Hindi niya akalain  na may anak na pala siya. And worst lumaki ang bata na wala man lang siyang alam. Kahit kelan pahamak talaga yang kapatid kong yan.”

“Sa tingin mo babalikan ni Clark si Delene lalo na at may anak na sila?” mapangahas na tanong ni Piper kaya nakatikim ito ng siko kay Val.

Napabuntong hininga siyang napapa-upo sa tabi ni Ciara. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Clark. Hindi pa kami masyadong nag-uusap sa bagay na iyan. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko maliban sa ipaglalaban ko ang relasyon naming dalawa. Delene can be very competetive. Kahit nuong mga bata pa kami ay ayaw niyang nilalamangan ko siya. Kung hindi niya nakukuha ang gusto niya ay inaaway niya ako. Kaya I’m sure she lived a happy life when our parents separated. Nasa sa kaniya na ang buong atensyon ni Dad.”

“We will be here for you.” Wika ni Ciara sabay gagap sa kamay ng kaibigan.

“Thank You.” Naluluhang wika niya. Napa “aawww” ang iba pa sa gesture ni Ciara sa kaniya.

“Group hugs!” sigaw ni Val.

         MAKALIPAS ang ilang oras na pagshoshopping kasama ang mga kaibigan ay nakatanggap siya ng text mula kay Clark. Pupuntahan raw siya nito sa kaniyang condo pagkatapos nitong bisitahin ang kapatid nitong si Jenny. Nauna na siyang magpaalam sa mga kaibigan na gustong manood ng The Avengers sa iMax. Excited pa naman din siyang makita si Captain America kaya lang mas importante sa kaniyang magkita sila ni Clark, ang captain ng puso niya. Mas kailangan siya nito kesa sa mga The Avengers. And she’s willing to sacrifice her time with her friends just to be with Clark.

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon