chapter 8

241 3 0
                                    

City Girl

By Ms sapphire

CHAPTER 8

“Mr Mellas?” gulat na sabi ni Clark sa kaharap.

“Aren’t you going to let me in?” nakangiting sabi ni Mr Mellas.

“P-pasok po kayo.” Binuksan niya ng malaki ang pintuan ng condo niya “please sit down.”

“How you’ve been iho?”

“Mabuti naman po. Eh kayo po kumusta na? Ang tagal ko rin pong walang balita sa inyo ah.”

“I’m doing good. I had been travelling all over Europe with some friends. Naisip ko lang na bumalik ng pilipinas dahil may gusto akong bisitahing kaibigan within these days.”

“Ah ganun po ba? Mukhang urgent itong pagbabalik ninyo ah.”

“As a matter of fact, it is. By the way your sister told me about this girl you were dating. What’s her name again…?”

“Sommers po.”

“Hmmm it’s an old english name…. Well I have to go iho.” Tumayo na si Mr Mellas.

“Ha? Aalis na po kayo?”

“May bibisitahin rin akong kamag-anak malapit dito.” Tianpik nito ang balikat niya “we will have a serious chatt soon.”

Nagtataka talaga si Clark sa biglaang pagsulpot ni Mr Mellas sa bahay niya. Simula nung tinulungan siya nitong makapag aral sa America ay nag retiro na rin ito sa pagtuturo at nagbabakasyon sa Europa. Tanging ang Abogado lamang nito ang nakaka-usap niya simula noon.

     “DARN it!” wika ni Sommers pagkatapos mahulog ng binder sa sahig. Inutusan niya kanina ang secretary niyang halungkatin ang lahat ng mga old hard bound files nila para sa isang project na gagawin niya. Hindi siya makalat na tao, pero sa itsura ng opisina niya ngayong araw ay parang dinaraanan ng bagyong Pablo.

TOK TOK

She lift up her head after hearing the knock on her door. Nakita ni si Geoff na nakatayo sa may pintuan.

“Busy?”

“Super” sagot niya dito.

Umupo ang kaibigan sa harap ng mesa niya.

“May problema ba?” kaagad na tanong niya dito.

“Tuwing pupunta ba ako dito ay may problema?” natatawang sabi ni Geoff.

Nagkibit balikat siya. “I don’t know. It seems all of a sudden ay binisita mo ako dito.”

“Well, to tell you the truth may problema nga. I need to ask you a favor.”

She let go of the pen she was holding and rest her back on her chair. Tinitigan niya ang kaniyang kaibigan. Sa itsura pa lang nito mukhang may malaking problema nga ito. She hadn’t talked to Geoff in a week!

“Ano kase… si Cassie…” panimula ni Geoff.

Ang tinutukoy nitong Cassie ay ang bunsong anak nito na inaanak rin niya.

“What about Cassie?”

“S-she was diagnosed with lukemia.” May garalgal sa boses ni Geoff.

Napatuwid siya ng upo.

“What? Why? When?” sunod-sunod na tanong niya dito.

“We went to the Doctor the other day kase Cassie has been sick. Doon namin nalaman na lukemia pala ang sakit niya.” Clark started to cry “My God Sam she’s only four years old! I don’t know what to do.”

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon