Sa loob ng Lecture Hall ng Manila Doctor's College ay seryosong nag te-take ng exam ang mga students ni Mr. Mellas. Ang guro nila sa Human Anatomy. Hindi lahat ng kumuha ng kursong ito ay Nursing Students. Gaya ni Clark Jacob Santillan. Nag major siya ng Dentistry. Isa rin siyang working student at Dean's lister ng naturang school.
"Alright people time's up. We have to move on to our next lecture... come on.... pens and pencils up." sigaw ni Mr. Mellas.
Ng matapos ibigay sa guro ang mga test papers ay naghihintay na sila sa lecture ng guro.
Bumukas ang Power point sa harap nila.
"Today, we will cover our next topic about Layers of our Skin. For those of you that need some help after class... sorry to disappoint you but i cannot entertain you today. I have a meeting to attend, so if you need some assistance for the next chapter's exam, you have to come to the lab on weekends. Mr. Santillan here is one of our tutor. Just approach him right after class. If your not available during weekends then you have another option and that is to study the Powerpoints online. Just click Human Anatomy then my last name and this class number 045. Alright?"
Umayon ang lahat ng students bago nagpatuloy ang guro.
"We have learned last week about the Anatomical names and position like pronation and supination." ginagaya ng mga students ang ginagawa ng guro nila. Ang isang kamay nito ay nakatihaya paharap sa sahig para sa pronation at binaliktad patihaya paharap sa kisame para sa supination. “Now i'll show you some pictures of the human organs. More specifically the Internal Organs. Then we’re going to zoom in and study the Layers of our Skin. There are Three Layers of our skin namely Epidermis, Dermis and Hypodermis.”
Clark was sort of bored. He studies in advance para makahabol sa lahat ng discussion. As a working student ang oras ay hindi niya sinasayang. Kung may oras siya ay umiidlip o nag-aaral siya. When the time was up ay tumayo na siya para pumunta ng cafeteria kung saan siya nagtatrabaho ng part-time. May isa rin siyang trabaho during weekends as a newspaper delivery boy. Kailangan niyang kumayod para sa pag-aaral dahil isang hamak na labandera lang ang nanay niya at ang tatay naman niya ay nagtatrabaho sa isang hospital as a janitor. Mataas ang pangarap niya sa buhay para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. May limang kapatid pa siya na umaasa sa konting maiuuwi ng mga magulang niya. Kung minsan nga siya pa ang tumutulong sa gastusin para sa bahay. Walang konting naitulong ang mga magulang niya dahil sa pagsisikap niya.
"Hey Clark I'm Delene." Nakipagkamay ang isang magandang babae sa kaniya. May kaliitan ito sa taas na 5'3, maiski at kulot ang buhok nito. Tinaggap niya ang pakikipagkamay nito.
"Hi Delene, what can i do for you?"
"Uhm do you have a free time today? I still have two classes right after this and i'm not free during weekends. So i was hoping if you can help me with the new lecture?" He noticed her beautiful face na kay amo tingnan.
He was in a daze.
"Clark?"tawag sa kaniya ni Delene.
"Oh i'm sorry." nagsimula na silang maglakad palabas ng Lecture Hall.
"I was asking you earlier kung may free time ka mamaya after my class at four."
"I work at the cafeteria until five then uuwi na ako pagkatapos."
"Oh ok no problem i can wait for you. Is that alright?"
"Sure."
"Fantastic! You have no idea how excited I am na may tutulong na sa akin."
"I'll see you at five then." nagpaalam na ang babae sa kaniya.
He cannot believe Delene Centeño one of the beautiful faces in the Campus talked to him.