Chapter 1

395 4 0
                                    

            Pagbukas ni Clark ng pintuan ng kanilang Dental Clinic  ay puno ito ng sari-saring bulaklak. Binati siya  ni Brenda na may makahulugang tingin. Napakunot noo siya. 

“Para kanino ang mga ito? May manliligaw ka bang mayaman at pinuno na itong office natin?” Lumapit siya sa likod ng reception table para I check ang mga clients niya for today.

“No Doc hindi sa akin lahat iyan kundi para sa inyo. Kaninang alas otso pa nasa pintuan yung delivery boy. Ang akala ko nga isa lang ang ipapasok pero  naging sunod-sunod na.” napahagikhik ito sa kilig.

“Kanino naman ito galing? Puwede mo bang  tawagan ang flower shop at baka nagkamali lang sila.” Utos niya rito.

“Eh Doc basahin mo nalang iyang nasa papel.” Suggest nito sa kaniya.

Lumapit siya sa isang boquet of red roses na nakalagay na sa plorera at may nakaprint na #1 sa envelop . Kinuha niya ang maliit na card at binasa ang mensahe nito.

‘Start your day with a smile

-Sommers’

                 Nabigla talaga siya sa na diskubre. Hindi niya akalain na siya pa ang padadalhan nito ng mga bulaklak. Tiningnan niya isa-isa ang lahat ng mga bulaklak. Sa tantiya niya ay halos singkuwenta lahat. Dali-dali siyang umalis at pumunta sa opisina niya. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala na pati ang opisina’y puno ng bulak-lak. Lumabas uli’t siya at isa-isang kinuha lahat ng mga cards at bumalik sa kaniyang private room. Pasalampak siyang naupo at sinimulang basahin isa-isa ang laman ng bawat card. May oras pa siya bago dumating ang unang pasyente niya. Binuksan niya ang pangalawang card.

‘Don’t go to work with an empty stomach.

So I got you a breakfast. I told the delivery guy to

put it in the fridge for you. –Sommers’

                  Tumayo nga siya at nilapitan ang mini fridge sa kaniyang opisina. Presto! May isang container na naglalaman ng homemade pancakes, bacon and eggs at my orange juice pa. Napabuga siya ng hangin. ‘Wow.’ Yan lang ang naisip niyang sabihin. Sunod-sunod na niyang binasa ang iba pang card na naglalaman ng mga sweet nothings at love confessions. Sa buong araw trabaho at pagbabasa ng note ang ginagawa niya. May instant lunch din siya na pina deliver pa nito. Nahihiya man sa mga kasamahan na kinikilig ay tinanggap pa rin niya ang pagkain. Hindi na siya lumabas ng kuwarto buong lunch break.  Alas singko na at kakatapos lang niyang asikasuhin ang huling pasyente.Naghahanda na siyang umuwi ng maisipang basahin ang ika singkuwentang card sa araw a iyon.

‘I just got back from Davao and I terribly miss you L

Can we go out for a dinner tonight? Please…. –Sommers’

Nag ring naman ang kaniyang cell phone. ‘Speaking of the devil’ naisaloob niya ng makita ang pangalan ng babae.

“Hello.” Sagot niya dito. Inipit niya ang cell phone sa kaniyang balikat.

“Hey Lover boy. Miss me?” malambing nitong bati sa kaniya.

“No not really.” Kung prangka ang babae ay dapat na din niya itong prangkahin.

“Ouch! Now that hurts. Anyways, what’s your answer?” tanong nito sa kaniya.

“About what?” nagpapataymalisya siya.

“The Dinner…. Hello? So are you going to pick me up or I’ll pick you up?” hindi siya papayag na mapahiya dito. Siya ang lalaki dapat siya ang gumagawa ng mga ito.

“Give me your address and I’ll pick you up. Let’s say around seven?” Sagot niya dito. Sasakyan nalang niya ang kalokohan nito para malaman nito na wala itong mapapala sa kaniya. Unang-una ayaw niyang siya ang nililigawan dahil parang nakakalalaki ang ganun. Gusto nila mga lalaki na sila ang sumusuyo sa babae. May itsura naman ito pero hindi niya gusto ang pagiging prangka at brutal nito sa pagsasalita.

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon